CHAPTER 11

0 0 0
                                    

Mabilis ang mga nagdaang araw at bukas na ang acquaintance party. Dumating na kahapon yung bonggang gown na nirentahan ni Mama. Mas bongga pa sa gown nila Rere at Luisa kahit palaban din yung gown nila. Bukas naman dadating yung mga mag ma-make up sa'min.

Sa isang malaking engrandeng hotel gaganapin ang Acquaintance Party namin. Nalulungkot naman ako kasi hindi si Luhence ang makakapartner ko. Si Laxzon yung magiging kapartner ko! Yung nakabunot kay Kim!

"Oy excited na 'ko bukas!" wika ni Agatha.

"Ako din," sabi ko. Nandito kami sa ilalim ng puno nagpapahinga, naglaro kasi kami kanina ng badminton ni Agatha.

"Sayang! Si Luhence sana makakapartner mo! Hays," wika ni Agatha pagkatapos ko ikwento sakaniya na nagpalit kami ni Kim ng partner.

"Kainis nga! Pero okay na din 'yon! May itsura din naman si Laxzon," nanghihinayang pa rin na sabi ko.

"Sabagay, madami ding fans 'yan eh!" sabi niya at natawa naman ako. Pagdating talaga sa mga sikat, napakasigla at talino ni Agatha.

"Hmmmm," sabi ko habang natatawa pa rin.

Bigla ko naman napansin ang pagtahimik ni Agatha kaya agad ko ding tiningnan ang tinitingnan niya.

Uh! parating , papunta sa gawi namin sila.... uh... Uno and Sola. Yes natatandaan ko na sila. Agad naman namula si Agatha. Crush niya kasi si Uno.

"Oh? Walang klase?" sabi ko at umisod ng konti para mabigyan ng space si Sola na uupo sa tabi ko. Si Uno naman ay sa tabi ni Agatha na kanina pa namumula.

"Wala, break time." sagot naman ni Sola.

"Ahhh, kakatapos lang namin magbadminton hehehehe," si Agatha.

"Naglalaro pala kayo nun?" si Uno. Mukha ba kaming hindi marunong maglaro?!

"Syempre," nakangisi kong sabi sakaniya.

"That's cool." sabi pa ni Uno kaya tinaasan ko sya ng kilay. Anong cool do'n?

"Hehehehe! By the way may acquaintance party kayo?" namumula pa ring tanong ni Agatha.

"Oo naman! Bahagi pa din kami ng school na 'to noh! Kahit senior high na kami," si Sola. Oo nga naman! Kahit senior high na sila ay kasali pa din sila.

"Ah gano'n ba? Hehehehe, sorry!" nahihiyang sabi ni Agatha sakanilang dalawa.

"Okay lang." wika ni Uno at tumingin na sa kawalan.

"Omg! Trea ang ganda mo! Arghhhhh! Nakaka inggit! Sana all!" nakangiting sabi ni Rere sa'kin. Kakatapos ko lang make-apan at sinuot ko na ang bongga kong gown. Kulay black to at napakalaki, madaming kumikintab na silver na design. Labas din cleavage ko dito. Sobrang ganda talaga!

"Omg! Trea! Ang ganda ganda mo! Manang mana ka talaga sa'kin!" sabi ni Mama habang nakatakip ang kaniyang palad sakaniyang bibig at nakatingin sa'kin.

Nginitian ko lang siya. Gano'n din sila Ate Andree at Luisa ng makita ako, puro sila papuri sa'kin. Alas sais na ng hapon ng makarating kami sa engrandeng hotel. Late na nga kami eh, kasi 5:00 pm dapat nandito na.

Ang ganda! Nasa entrance palang kami bongga na! Nang makapasok kami sa mismong hotel, ay grabe! Napaka ganda ng venue! Sobrang pinaghandaan! Napakalawak!

Agad ko naman hinanap ang table 27. 'Yon kasi ang binigay sa'kin na number nung teacher na nasa entrance kanina. Mabilis naman akong nagulat ng kasama ko si Luhence sa table na 'yon! Natanaw ko agad yung table 27 at kitang kita ko ang napakagwapong si Luhence! Napaka hot! Grabe lahat ng susuotin niya bagay na bagay! Argh! Mabilis naman nawala ang ngiti sa mga labi ko ng makitang nando'n din si Kim. Sorry girl! Pero hindi ako magpapatalo sa'yo tonight.

BUT I LIKE RAINY DAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon