CHAPTER 10

0 0 0
                                    

Sabado. Tanghali na 'ko nagising. Pagkatapos ko kumain at maligo ay agad akong dumeretso sa bahay nila Luhence. Naka white fitted sando croptop ako at nagpantalon na kulay black. Umuulan sa labas kaya nag nike windbreaker ako na may pinaghalong kulay white at maroon..

"Tao po!" sabi ko at kumatok ulit.

Nakakainis! Nasa'n ka na ba Luhence?! Nilalamig na 'ko dito! Umuulan pa din naman.

Maya maya pa'y pinagbuksan na 'ko nung babaeng jowa ata ni Luhence.

"Ikaw ba yung Trea?" tumango naman ako. "Pasok ka, hehehe!" sabi niya. Mukhang mabait.

Pagkapasok ko sa bahay nila ay agad akong namangha. Ang ganda! Napakasimple! Napakalawak din! Umupo naman ako sa sofa at ini intay bumaba si Luhence. Wala pa ata ang mama at papa ni Luhence. Kasi nasisiguro kong dalawa lang sila dito ngayon, si Luhence at etong babae na jowa niya ata. Ano naman kaya ginagawa nila dito habang silang dalawa lang? Hmp, tsk.

Lumapit ulit sa'kin yung babaeng jowa ata ni Luhence.

"Umakyat ka na daw sa taas," sabi niya kaya naman kumunot agad ang noo ko.

"Huh? Dun daw kami gagawa ng project?" inosente kong tanong. Napatawa naman siya dahil alam kong naramdaman niyang kinakabahan ako.

"Oo daw eh," natatawa niyang sabi.

"Hindi ka ba magseselos?" tanong ko. Naninigurado lang. Baka mamaya...

"Huh? Bakit naman?" tumaas ang kilay niya pero natatawa pa din.

"Ah, eh diba mag jowa kayo?" hindi ko na napigilan ang sarili ko itanong yun.

"What?" tumaas ang kilay niya bago tumawa ulit. "Sino naman nagsabi sa'yo?" tanong niya ulit na nakataas ang kilay pero natatawa pa din.

"Ah, sige akyat na 'ko hehehe," sabi ko dahil hindi talaga ako interesado kausapin siya. Lalo't na jowa siya ni Luhence!

"Wait, wait!" pigil niya sa'kin ng akmang patayo na 'ko. "Kapatid ko si Luhence, sana okay ka lang?" sabi niya na natatawa.

Nanigas naman ako sa kinauupuan ko ng sabihin niya 'yon. Tama ba narinig ko? Kapatid niya? So hindi niya jowa?! Argh! Buong akala ko girlfriend niya! Letche kapatid pala!

"Ah, i'm sorry! Hehehehe," sabi ko at hiyang hiya sa kaniya.

"Hmmm, ikaw pala yung nakita namin sa swimming pool. Kaya pala familiar 'yang beautiful face mo sa'kin! Akala mo talaga magjowa kami? Hahahaha! Nakakatuwa naman, may nag iisip pala ng gano'n sa'min habang magkasama kami ni Luhence," nakangiti niyang sabi at lalo naman akong nahiya. Shit!  Nakakahiya talaga! Sana hindi ko na lang siya tinanong kung magseselos ba siya! Argh!

"Ah hehehehe, sorry," nasabi ko habang nakatungo. Hindi ako makatingin sakaniya! Nahihiya talaga ako.

"Okay lang! Umakyat ka na, yung nag iisang kulay black na pinto sa taas kay Luhence 'yon. Pumasok ka na lang," sabi niya at agad naman akong sumunod. Paakyat na 'ko ng bigla kong maalala yung isang box na pizza sa ref! Inorder ko 'yon para may memeryendahan kami ni Luhence argh! Nakalimutan ko!

Dali dali naman akong lumabas ng bahay nila Luhence at hindi ko na pinansin yung kapatid niya. Agad kong kinuha yung pizza sa ref at dali daling lumabas.

Pagkabalik ko sa bahay nila Luhence ay hindi na din ako kumatok. Ang kapal ng mukha!

"Hehehehe, nakalimutan ko kasi 'to sa bahay. Gusto mo ba? Hehehe," sabay alok ko sa kapatid ni Luhence ng dala kong pizza. Nakaupo siya sala.

BUT I LIKE RAINY DAYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon