Chapter 1: Pangit Daw Ako!

1.1K 23 4
                                    

By: Loop Kenon

Sabi nila bawat isa sa atin may nakatadhana na makasama habang buhay, pero paano mo malalaman kung iyong taong nakasama mo na dati o iyong makikilala mo palang ay ang nakatadhana sa iyo......

Rocky POV

7am ng umaga kaka out lang sa isang bar na pinapasukan sa Timog. Sumasakit na naman ang mga braso ko sa bigat ng mga tray na sini-serve ko sa mga customer buong magdamag......

85 unread messages! woooh parang ilang oras ko lang hindi nahawakan ang cellphone ko, sigurado ako mga GM/group text lahat ito. Maswerte na kung may 5 text message doon na para talaga sa akin. GBM o 'GwapingsBiManila" ang tawag sa grupo o clan na sinalihan ko, siguro isa sa mga dahilan kung bakit naisipan kung sumali eh para makakilala ng mga taong tulad ko at syempre dahil alam ko lahat ng member ay gwapo. Ako nga pala si Rocky, 23 years old taga Quezon City...isang waiter, 2nd year lang sa college ang natapos ko buti nalang kahit papaano related sa course ko na HRM ang trabaho ko ngayon. Dahil sa hirap ng buhay kailangan muna tumigil at magsimula ng magbanat ng buto, 5'10 ang taas ko at medyo may kagandahan ang katawan dahil batak sa trabaho at paminsan minsan na pagbubuhat sa gym kasama ang mga kaibigan. Naniniwala akong gwapo din ako , sabi nila kamukha ko daw si Jericho Rosales pero mestizo. Kaya medyo nakarami narin ako ng girlfriend noon pero hindi ko pa nasubukan magka bf. Isa narin iyon sa dahilan kung bakit ako sumali sa clan at baka sakaling makilala ko ang "the first" ko.

Dalawang linggo palang akong member kaya iilan palang ang personal na nakakatxt ko. Hindi parin ako nakakadalo o nakakapunta sa mga GEB / Grand Eyeball ng grupo. Actually last warning ko na ito, pag hindi pa daw ako pupunta sa susunod na GEB, terminated na ako. Kahit wala pang nakakakita sa akin ng personal minsan naging topic narin ako ng GM ng clan. Dakilang isnabero daw ako at masyadong feeling gwapo, yun iba naniniwalang hindi ako gwapo kaya daw hindi ako pumupunta sa mga GEB ng grupo. Aaminin ko, madalas isnabero talaga ako lalo na doon sa mga 1st time mag text sa akin, hindi ko lang cguro trip mag reply o dahil lang hindi ako interesado o baka naman hindi nila nakukuha yun atensyon ko sa bawat text nila. Paulit ulit nalang kasi puro "hi" at "hello" walang bang bago? wala ba yun unang text palang ay mapapansin ko na. Pero ang totoo nag iingat lang ako baka may makakilala sa akin at dahil wala pang nakakaalam sa pinagdadaanan ko.

Alas dose ng tanghali, katatapos ko lang mag lunch at maya maya mag aayos na para matulog dahil 8pm ang pasok ko sa bar ng biglang tumunog ang cellphone ko. Walang name na nagregistered, number lang naiisip ko bagong member ng clan ito. Wala na sana akong balak basahin ng hindi sinadyang ma open ko. Nagulat ako sa nabasa ko, hindi ko alam kung maasar o matatawa ako....

Pangit! Pag hindi ka busy text text tayo.... Paul 25 Makati

Pangit ka rin! reply ko

Wow...nag text back sya oh, hindi naman pala totoong isnabero....salamat sa reply Rocky

At kilala mo talaga ako? Stalker ba kita o matagal ka ng may pagnanasa sa akin.... biro ko sa kanya...

Ah ganun ba? Baka ikaw ang hindi makapagpigil pag nakita mo ako sa personal! pagyayabang niya....

Bigla akong naging interesado sa taong ito ah....ano kaya itsura nya? Sino kamukha nyang artista? mukhang mapipilitan akong makipag EB ngayon. Gusto ko pa sanang makatext siya pero kailangan ko ng matulog at may pasok pa mamaya...

Paul...pasensya na ha! tulog muna ako may work pa mamayang 8pm eh..Maya na tayo magkulitan ha? Wala ng energy eh! Salamat sa text

Aw...sorry! Naistorbo pa yata kita...sige tulog kana at salamat sa pag reply" text niya...

Sweet dreams PANGIT....hehehe, sinadya ko yan para siguradong magtetext ka ulit...pahabol na text niya...

6 PM biglang nag ring ang cellphone ko.....may tumatawag....

Si "First" Sana Ang Last (boyXboy) ongoing....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon