Chapter 10: The One

480 16 2
                                    

Sabay ng naligo ang dalawa, hindi parin matapos tapos ang mga kulitan at harutan. Hindi na mailalarawan ang saya't tuwa na kanilang nadarama. Tila wala ng bukas at sinusulit ang bawat segundo na magkasama sila.

Paul POV

Hindi parin ako makapaniwal sa mga nangyayari samin ni Rocky. Parang kelan lang magkatext lang kami, pero ito na kami ngayon. Para na kaming mag asawa, pagkatapos may mangyari heto at sabay na naliligo. 

Si Rocky alam ko first time niya pero hindi ko naramdaman na nag alangan siya. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin at sana masuklian ko din iyon ng pagmamahal na nararapat sa kanya. Alam ko nagsisimula palang kami at marami pa kaming pagdadaanan pero handa akong harapin lahat basta kasama ko lang ang taong ito. Ipaglalaban ko si Rocky ng buong puso at buhay ko. Hindi ako papayag na maghiwalay kami lalo na't alam kong si Rocky ang "the one" ko.

"Rocky...I'm done na....ikaw?" tanong ko.....

"Oo tapos narin...." sagot niya..

Kumuha ako ng bagong tuwalya para kay Rocky. Sabay pasok namin sa isang pinto diretso sa walk in closet ko.

"Wow...ang galing nito Paul ha... konektado pala ang CR mo at closet"

"Ganun talaga iyon Mahal ko, para pagkatapos maligo...diretso bihis at ayos kana ng sarili. Hindi mo na kailangan lumabas muna. Lalabas ka nalang pag nakabihis at ready kana" paliwanag ko......

"Sabagay.....naisip ko nga kanina Mahal.....sobrang lamig ng kwarto mo, patay tayo paglumabas ng nakatuwalya lang at basa pa...hehehe"

"Ikaw talaga....sige na Rocky, mamili kana ng isusuot mong pantulog"

"Pilian mo ako Mahal ko....please..." sagot ni Rocky, sabay yakap at akala mo batang naglalambing....

"Loko....kung ako masusunod, gusto ko nga wala kang suot" biro ko...

"Hala....huwag ganun Mahal ko, baka hindi ko makayanan ang lamig mamaya"

"Katabi mo naman ako ha!.....ako ang magpapainit sa iyo" sabay nakaw ng halik kay Rocky...

"Aba Paul mo akong subukan.... mamaya hindi mo ako makayanan"

"Hmmmppp....tingnan natin...ito nalang suotin mo para hindi ka lamigin mamaya" sabay abot ng pajama at T-shirt..

"Hindi na ako mag susuot ng brief?" biglang tanong ni Rocky....

"Huwag na... Parehas lang tayo.... para ready kung sakaling may round 2"

"Ganun....tingnan ko lang Mr. Paul Sytanco kung kayanin mo si Mr. Rocky Samonte pagdating sa kama"

Nang nakapagbihis na, sabay na kaming lumabas at pumunta sa kama para humiga.

"Mahal ko, san mo gusto puwesto sa right o left?" tanong ko....

"Syempre sa right ako, kasi ako ang "right man" para sa iyo" sagot naman niya...

"Hinahamon mo yata ako sa mga pick up line mo ha"

"Hindi....Mahal ko....one time lang iyon, bigla ko lang naisip...ang corny no?" paliwanag ni Rocky....

"Halikan na nga dito at humiga na tayo at alam ko antok na antok kana"

Biglang tumalon sa kama at nagpagulong gulong ito.....

"Anong ginagawa mo Mahal ko?" tanong ko kay Rocky...

"Wala Paul....sobrang saya ko lang at hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari" paliwanag ni Rocky....

"Sampalin mo nga ako Paul, Mahal ko.....baka nanaginip lang pala ako" pahabol nito......

"Hindi kita kayang saktan Mahal... kiss nalang pwede?" sabay kiss sa lips nito....

"Paul.....salamat ha....alam ko, ako palang ang nakakapunta dito sa condo mo at malamang ako palang din ang makakatabi mo sa kamang ito....salamat talaga Mahal ko.... "

"Hala.....at paano mo iyan nalaman?" nagtatakang tanong ko...

"Kay Martha....."

"Aba at chismosa talaga ang bruha na iyon"

"Pero Paul....maraming salamat ha... alam ko, wala na akong materyal na bagay na pwedeng ibigay sa iyo, lahat meron kana....ang kaya ko lang ialay sa iyo ang buong puso at buhay ko" naiiyak na sabi ni Rocky....

"Paul Sytanco....pwede bang ikaw na ang first at last ko...  Huwag mo akong iiwan ha...." pahabol ni Rocky...

"Rocky ako nga dapat ang magpasalamat sa iyo at hindi ka natakot na mahalin ako....pangako Mahal ko, nandito lang ako at ipaglalaban kita hanggang kamatayan.....ikaw ang buhay ko... hindi man ikaw ang first ko.... pero alam ko ikaw naman ang " The One" ng buhay ko......

Si "First" Sana Ang Last (boyXboy) ongoing....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon