Chapter 7: Unang Halik

472 17 6
                                    

"Pero Rocky, gusto pa kitang makasama.... pwede bang matulog katabi ka?"

--------------------------------------------

Rocky POV

Paano ako tatanggi sa isang taong gustong gusto kong makasama. Ang taong gusto kung mayakap at mahalikan tuwina. Ang taong gusto kong makatabi sa pagtulog at makita sa umaga pagdilat ng aking mata. Pero ayaw ko namang samantalahin ang pagkakataon at alam ko darating din ang tamang panahon na pwede na kaming magkasama sa iisang bubong.

"Marami pang next time Paul....basta ihatid muna kita bago ako umuwi... Saan kaba nakatira?"

Hindi sumagot si Paul, naglakad lang ito at sumunod naman ako. Alam ko nalungkot ito sa sinabi ko, pero bahala na. Sa isang high rise condominium sa tabi lang mismo ng mall nakatira si Paul. Pagpasok palang ng lobby, kitang kita na ang gara nito at tanging mamayaman lang ang kayang manirahan dito. Lahat ay todo bati sa aming dalawa, mula sa gwardya hanggang sa mga tao sa reception area. Sumakay kami ng elevator at nakita ko pinindot niya ang P4 sabay pasok ng isang card para umandar ito. Tinanong ko siya kung bakit ganun, sabi niya wala daw basta basta makakapunta sa floor niya ng wala ang card na iyon.

Nakaramdam ako ng hilo at lintik nasa pinaka taas pala ang unit ni Paul.

Pagbukas ng elevator, bumungad agad sa amin ang isang malaking pinto. High tech at fingerprint ang kailangan para bumukas ito.

"Pasok ka muna Rocky.... magpahinga ka muna bago ka umuwi"

Bigla dumiretso si Paul sa isang kwarto sa gawing kanan at naiwan akong nakaupo sa sala. Halos napapa nganga ako sa aking nakikita. Napaka ganda ng condo niya, talo pa yata ang mga mamahaling hotel sa bansa. At dahil nasa pinakataas kami, tila makapigil hininga ang tanawin sa labas at kitang kita ang buong kalakhang Maynila.

"Good Evening Rocky"

Si boses ang narinig ko, Martha pala.....

"Good Evening Martha" bati ko sa kanya.....

Umupo siya sa tabi ko at sinamahan muna ako sa sala....

"May gusto kang inumin o kainin?" tanong nito....

"Wala... hindi pa ako nauuhaw at sobrang busog pa ako" sagot ko naman.....

"Nasan si Boss at bakit mag isa ka lang dito"

"Nagpunta at pumasok doon........." sabay turo ko sa isang pinto sa kanan

"Kwarto ni Boss iyon, bakit hindi ka pumasok at samahan siya?"

"Umuwi na din kasi ako maya maya , nagpapahinga lang at nahilo ako sa taas nito" sagot ko

"Ha? Bakit uuwi ka, kaya pala iniwan ka ni Boss dito.....malamang nagtampo iyon sa iyo"

"Hala....bakit naman siya magtatampo sa akin?"

"Alam mo bang 1st time niyang mag invite ng ibang tao dito at lalo na ang isang lalaking ka date niya... Ikaw palang Rocky....ikaw palang...."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Martha. Ganun ba talaga ako kahalaga kay Paul at hindi niya napigilang isama ako dito.

"Sige na Rocky.... puntahan mo na si Boss.... hindi na yan lalabas..... magpaalam kana kung uuwi ka"

Nagpaalam ako kay Martha na puntahan ko muna si Paul. Tumayo ako at tinungo ang kwarto niya. Iniwan niya itong bukas kaya pumasok nalang akong hindi kumakatok. Pagpasok ko sa loob hindi ko agad siya nakita. Lintik na kwarto ito at may sariling rin palang sala at kainan dito. Hindi ko mapigilang mamangha sa mga nakikita habang naglalakad papunta sa kama niya. Ngayon lang ako nakapasok sa ganito kagandang silid na akala ko noon sa TV ko lang makikita.

Si "First" Sana Ang Last (boyXboy) ongoing....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon