Chapter 12: Viral Video

299 10 3
                                    


Habang abala si Paul at Rocky sa pagkain, si Martha naman ay hindi mapakali sa walang tigil na pag ring ng kanyang cellphone. Noong una ay hindi nila ito pinapansin ngunit patuloy ito sa pagtunog na naging dahilan ng pagkainis ni Paul.

"Martha, sino ba yan tumatawag sa iyo? Ang aga aga naman......" tanong ni Paul

"Boss, si Mr. John Felipe po ng ABS-CBN" sagot nito......

"Sinong John Felipe?"

"Yun showbiz reporter ng ABS-CBN boss"

"Bakit naman tumatawag yan ng ganito kaaga may schedule ba ako sa kanila ngayon?"

"Wala po boss...."

"Yun naman pala......sagutin mo na iyan at tanungin mo kung bakit tumatawag ng ganitong oras. Sabihin mo, magpaschedule sila ng maayos kung gusto nila akong makausap......."

"Mahal ko.....relax lang, huwag agad uminit ang ulo.....ito tikman mo para mawala ang inis mo" paglalambing ni Rocky

"Sige po boss.....sandali lang po ha!" paalam ni Martha at sandaling bumalik sa kwarto niya para kausapin ang kanina pang tumatawag.

.......cellphone conversation

Martha: Hello.......bakla, bakit napatawag ka....ang aga aga naman nyan, wala naman kaming schedule sa inyo today diba? ako tuloy ang napagalitan ni boss.

John: Mukhang wala ka pang alam sa mga nangyayari..... hindi kaba naka online girl, check your Facebook wall. Maloloka ka, viral na ang video ng boss mo kasama ang isang gwapong lalaki sa mall at mukhang may LQ ang dalawa ha. Totoo ba ito? Please confirm..... si Mr. Paul Sytanco nga ba ang nasa video at da who ang guy na kasama nya?

Martha: Ang aga agang chismis naman yan, hindi yan totoo....

John: Teka napanood mo naba ang video?

Martha: Hindi pa!

John: Watch mo muna kaya, tsaka ka mag react at mag deny dyan.

Martha: Wait, matingnan nga ang video na yan, tawagan nalang kita pag mag reaksyon na si boss sa issue na ito....

John: Girl, friend naman tayo.... pwede bang i-exclusive mo na sa akin ito....

Martha: Sige..........Ok! bye na muna at hindi pa ako tapos kumain....

..........end of conversations

Pagkatapos ng pag uusap, biglang naalala ni Martha ang mga nangyari sa Greenbelt kahapon.

"Patay! mukhang magkakaproblema ng malaki si boss nito kung totoong may kumuha ng video sa pagtatalo nila kahapon ni Rocky sa mall at na ipost sa Facebook. Teka i-check ko nga muna para sure kung may ganung video nga....."

Agad nitong binuksan ang laptop at nag log in sa kanyang Facebook account. Laking gulat nga nito ng makita sa kanyang wall ang napakaraming share ng isang video ng dalawang lalaki. Pinanood niya ito at muntik na siyang malaglag sa kinauupuan ng ma-confirm nitong sila Paul at Rocky ang nasa video.

"O....M....G..... si boss at Rocky nga ito, naloko na! malamang pagkakaguluhan na naman ito ng media. At tiyak lagot si boss nito sa daddy niya. Paano ko ba sasabihin ito kay boss......haay! Bakit ba ang daming chismosa sa Pinas, hindi na nakuntento sa pagkuha ng video at talagang uploaded pa sa Facebook"

Samantala sa dining area.....

"Mahal, bakit ba ang bilis uminit ng ulo mo? Relax lang.....sige ka tatanda ka agad nyan" tanong ni Rocky

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si "First" Sana Ang Last (boyXboy) ongoing....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon