Muli na namang nabakante ang espasyong
iyong hinigaan. Pawang mga unan at naka-
tiklop na kumot ang humalili sa ngiti kong
pilit gumuguhit sa kalagitnaan ng gabing
wala ka, at kailangang lumayo upang muling
lakaran ang sari-sarili nating mundo, magka-
hiwalay at 'di tanaw ang isa't isa.
Nabubulabog ang aking damdamin ng
kumukulog na kalungkutan ng pag-iisa.
Pinatatahan lamang ako ng musikang
inihuhuni ng mga kuliglig, paghuthot
ng kwago't maingay na landian ng mga
pusa sa bubungan, nagkakalampagan
at nilalasap ang kanilang pagmamahalan.
BINABASA MO ANG
Isang Taong Pag-ibig
Roman d'amourMadaming pangako ang pag-ibig. Kasiyahan. Kaluguran. Kapanatagan ng loob. Kagalakan. Katambal ng mga pangakong ito ay ang pighati't sakit na matatamo kung napamahal ka sa maling tao. Walang garantiya na lahat ng pinapangarap mo para sa inaasam na pa...