ch.01
Monday's P.O.V.
Another school year, another days of pagtitiis...
I signed..
Pero di bale na, last year ko naman na to as a Senior High School student dito sa Lee University, kaya konting tiis na lang.
I'm Monday Fajardo, grade 12 Arts and Design student under Dance major. Mahilig akong sumayaw, obviously. Hindi naman siguro dance ang kukunin ko kung hindi diba??
Itinakip ko ang dalawang palad sa aking bibig ng mapahikab ako. Inaantok na ako kakahintay ng next period! Vacant kasi namin, so eto ako, nakatambay na naman sa gym at sobrang nabo-boring na. Nagsawa na kaka-observe sa mga estudyante ditong pare-parehas lang ang ginagawa..
May nagpapayabangan. Nagchi-chismisan. May gumagamit ng mga gadgets. May nantitrip. May nag-aaral. Syempre hindi mawawala ang mga jamming ng magbabarkada.
Matatawa ba kayo kung sabihin kong kahit kailan, hindi ko naranasan ang mga yun?
Ako na lang ang tatawa para sa inyo..
Ha ha ha ha..
Guess why? Wala kasi akong kaibigan, ever since junior high..
Yup! Isa akong dakilang loner.. Say hooray para kay Monday!!!
Sikat kasi ako dito. Not in a positive way ha? but in negative. May bad image ako dito so, iniiwasan nila ako kaya wala akong kaibigan..
Wanna know why?
Kilala ako bilang isang madamot na tao.. or more like makasarili.
Nung junior high ako, madamot na talaga ako. Ayokong makipag-kaibigan. Hindi ako namimigay ng papel. Hindi ako nagpapahiram ng lapis, eraser, color, ball pen at kung ano ano pa. Hindi ko shini-share ang baon ko kahit madami naman. Tinatarayan ko ang mga nagtatangkang makipagkaibigan sa akin. Hindi ko pinapahiram ang kahit ano sa mga gamit ko. Kaya talagang mag-isa lang ako nun..
Pero mas lumala lang ngayong Senior high na ako..
Hindi ako pumupunta sa mga crowded places. Hindi ko pinapahawak sa iba ang mga gamit ko at hindi ko rin hinahawakan ang mga gamit nila. Umiiwas ako agad pag may mga papalapit na sa pwesto ko to the point na tingin ng iba nandidiri ako sa kanila. Snob ako. Pati simpleng pakikipag-usap lang sa iba hindi ko ginagawa. At marami pang iba. Hindi na kasi sa kanila tumatalab ang simpleng pag-iwas ko kaya gumawa ako ng paraan..
Pero isang araw, nung grade 11 pa ako, sila na mismo ang umiwas sa akin dahil sa isang pangyayari..
Hapon na nun, P.E. namin. Sa gymnasium kami nagP.E. Nang idismiss kami ng subject teacher namin, naglakakad na ako papunta sa pinaglalagyan ng gamit ko, habang iniiwasan pa rin makalapit sa kanila..
Habang pinupunasan ko ang pawis ko, iinom na sana ako ng biglang mag-collapse ang isa kong kaklaseng lalaki. Sya yung kaklase kong may hika. Hindi nya siguro kinaya ang pagod. At dahil ako ang pinaka malapit sa kanya, ako ang unang nakapansin nun. Pero wala akong ginawa. Nakatingin lang ako sa kanya habang sya ay hingal na hingal na nakahiga sa sahig. Tagaktak ang pawis. Hesitant if I should help him or not. Hahakbang na sana ako palapit sa kanya pero naunahan na ako ng mga kaklase ko na sa wakas ay nakita na rin ang pangyayari. At dahil nga ako ang pinakamalapit sa kanya na may hawak na towel at tubig, sinabihan ako ng class president na kung pwede ibigay na muna yung tubig ko para marefresh ang kaklase namin. Pero hindi ako gumalaw. Tinignan ko ang hawak na tumbler. Nag-aalangan kung ibibigay ko ba o hindi. Hanggang sa nakahanap na ng tubig at towel ang mga kaklse ko para ibigay sa kanya ay wala pa rin akong ginawa.
BINABASA MO ANG
That Selfish Is Selfless
HumorMeet Monday Fajardo, ang madamot na estudyante ng Lee University. That Selfish is Selfless by: SIRIisthename Short Story (Unedited) (Slow update) Pics are from google&facebook Plagiarism is a crime. June 2020