🎀 TSIS 02

22 0 0
                                    

ch.2

Monday's P.O.V.

Abala ang subject teacher namin sa pagtuturo sa amin. Habang ako ay hindi mapakali sa kinauupuan. I keep tapping my fingers on the table unconsciously. And my mind's keep drifting away to the gym. Maya't maya rin kung i-check ko ang oras sa cellphone..

"Class dismissed!" Isa ako sa mga nagsaya nang sabihin na yun ng guro namin, pero syempre hindi ko yun physically pinakita.. Mabilisan kong niligpit ang mga gamit sa aking bag. Pero sinigurado kong hindi halatang excited akong lumabas..

But who am I kidding? As if naman may pake sila sa akin..

"Bilisan mo bes!!! Baka nagsisimula na yung P.E. ng ABM!!!"

"Oo na!! Wag ka ngang ano dyan! Vacant naman natin kaya makakanood tayo!"

Nakakahiya mang aminin, pero yan din ang dahilan kung bakit kanina pa ako hindi mapakali. Isa ako sa mga excited manood ng P.E. ng ABM section. Remember? May gusto ako kay Walter kaya ganun..

Nang makita kong medyo konti na lang ang mga tao sa hallway, sinimulan ko ng tahakin ang daan papuntang gym. Kahit excited ako, sinikap ko pa ring maglakad ng composed para hindi ako makakuha ng atensyon.

Every Friday ang P.E. nila. Nalaman ko yan sa kaklase kong baliw na baliw kay Walter. Hindi man halata pero may pagkachismosa rin ako basta tungkol sa kanya. Kahit wala akong kaibigan, marami namang chismosa ang nakapagbibigay ng information sa akin tungkol sa kanya, secretly. Sya lang kasi ang nagpapa-excite ng mga araw ko sa school.

At ang saya ko lang ng malamang vacant namin pag P.E. period nila bago ang last subject namin.. Kaya talagang excited ako. Last year kasi hindi sumakto ang vacant ko sa P.E. nya kaya ngayon, lagi akong nanonood. Yun nga lang, hanggang sa entrance lang ako ng gym. Pasilip-silip lang. Wala eh, crowded lagi dun pag sila ang naglalaro. 'Lam nyo na, mga admirers. Hindi lang naman kasi si Walter ang gwapo sa section nya, halos lahat may itsura. Isama mo na rin ang mga babaeng kaklase nya, kaya meron ding mga lalaking naliligaw dito..

I walked casually towards the gym's entrance. Na para bang, nandito ako dahil gusto ko lang na pumunta dito, hindi para manuod, o masubaybayan ang taong gusto ko.  Tumayo sa usual spot ko pag nanonood. Kahit alam ko ng crowded ang gym, lagi pa rin akong umaasa na kahit isang araw lang, magkaroon ako ng pwesto dito para mas makapanood ako ng maayos.

And as expected, maraming nanonood. Inilibot ko ang tingin hanggang sa dumapo ang paningin ko sa kanya. Wearing his P.E. uniform, there he was, passionately playing volleyball..

It's his favorite sports. Kahit walang makakapagsabi nun sa akin, mahahalata ko pa rin iyun sa kanya. Seryoso sya sa laro eh, kahit wala naman sila sa totoong competition. Isa sya sa naggu-guide sa mga kaklase nya na hindi marunong nun. Sya rin halos ang nakaka-score sa team nya. Ginagawa nya yun na parang bang hindi big deal sa kanya ang paglalaro ng volleyball.

The way he lead his team. The way he coach them. The way he smashed the ball, getting their scores, I saw it all..

Minsan nga napapaisip na lang ako,

Paano ba maging bola? Okay lang kahit paulit-ulit nya akong hampasin at masaktan, basta mahawakan lang nya...

But unfortunately, hindi pala ako pwedeng makalapit sa kanya..

Say hooray, for Monday!!!

Sa buong oras ng P.E. nila, tahimik lang akong nakatayo dito. Mentally cheering for him kahit hindi naman ito totoong laban. Everything was going smoothly..

Not until...

"Ate?? Pumasok ka kaya para makanood ka po ng maayos??"

Lumingon ako sa babaeng nagsalita. My eyes widen in shock at napatalon ako dahil sa gulat. As in literally, tumalon ako palayo sa kanya.

That Selfish Is SelflessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon