Ch.4
Monday's P.O.V.Sa buong afternoon class namin, tutok lang ako sa lesson. Pero ramdam ko ang mga tingin na binibigay ng dalawa sa akin, tulad nung araw kung kailan kami nagkakilala. At tulad din ng ginawa ko noon, hindi ko na lang sila pinansin..
Iniisip pa rin ba nila ang huling pinag-usapan namin kanina?? Hindi ko alam na ganun na pala sila ka-attached sa akin to the point na maaapektuhan sila ng topic namin kanina.
Are they actually concern about me? Kasi kung oo, pano na lang kung malaman nila ang tunay kong sitwasyon? Baka umiyak na sila nyan? Or worst...
...layuan din ako...
"Malapit na pala ang final exam nyo sa 1st Sem!" Sabi ng adviser namin. Sabay-sabay ngumawa ang mga kaklase ko.
Isang masamang balita para sa mga tamad mag-aral..
Pero muntik na akong matawa nang makita ang reaction nung dalawa.
Nakanguso at bagsak ang balikat ni Crys. Habang si Jojo naman ay takip ng dalawang palad nya ang bibig sa pambabaeng paraan at nanlalaki ang mga mata..
Pfft! Konti na lang talaga iisipin kong bakla talaga sya..
Ay nga pala, dun pa rin pala sila nakaupo sa dati nilang pwesto bago kami maging magkaibigan. Gusto pa sana nilang tumabi sa akin eh, pero nasa kondisyon ko ang personal distance, kaya malungkot silang pumunta sa pwesto nila..
"At para sa last requirement or project nyo sa akin, ipe-perform nyo ang strand nyo individually!" Marami namang nagbunyi sa balita ni ma'am, pero may mangilan-ngilan pa ring ngumawa.
"Ma'am? Di po ba pwedeng by group? Or kahit by partner na lang??" Sabi ng isa kong kaklase. Meron naman sumang-ayon. I guess, yun ang dahilan kung bakit may ngumawa, kasi individual ang project.
Bakit ayaw na ayaw nilang gawin ang project ng mag-isa?? Mas maganda nga yun eh, solo mo yung grades.
"I'm afraid, no.. Gusto kong makita kayong magperform mag-isa. Kung gusto nyo talagang by group or by partner, papayag ako. Pero mag-iimbita ako ng mga teachers na manonood at tutulong sa akin sa pagbigay ng grades sa inyo.. O ano? By group pa rin ba??" Sabay-sabay namang umiling ang mga kaklase ko..
"Ayaw po namin."
"Individual na lang po pala ma'am!"
"Sino ba may sabing by group na lang at maupakan ko??" Pabirong sabi nung isa. Nagpeace sign naman kunyari yung taong tinutukoy nya.
Napailing na lang ako. GUsto pa kasi bina-blakmail eh..
"Pero wag kayong mag-alala, yan ang last requirement nyo sa 2nd sem. At dun lang ako magiimbita ng mga teachers." Err. Mukhang ako naman ata ang di sangayon dyan. But i just kept quiet..
"Sa gymnasium natin ito gagawin, during sa period natin. Pero dahil kukulangin tayo sa oras, mago-overtime tayo. Ipaalam nyo na lang sa mga magulang nyo ang tungkol dito. At gagawin natin ito sa Friday.." marami ang nagreklamo dahil sobrang lapit ng deadline, at isa na ako dun. Though hindi naman ako vocally nagreklamo, napakunot-noo lang ako.
Wednesday ngayon, so it means isang araw lang kami magpapraktis??
"O sige ganito na lang. Next week na lang ang deadline. At dahil tatlong araw naman tayo nagme-meet every week, hahatiin ko kayo sa tatlo.." Naging interasado naman kami sa sinabi ni ma'am..
"Dahil konti lang naman ang mga nasa theater, visual at literary arts, paghahaluin ko na kayo bilang first batch na magpeperform sa Lunes.
Bahala kayo anong gagawin nyo. Sa theater arts pwedeng i-act ang mga lines sa mga pelikula basta sa huli sabihin nyo kung anong title nun at kung sinong nagsabi, o pwede ring sarili ninyong script. Sa visual arts, tatayo kayo sa harap at ipapaliwanag nyo ang meaning ng drawing nyo. Mas maganda kung malalim ang concept para may impact diba?? Sa literary arts naman, ganun din tatayo kayo sa harap, babasahin nyo yung gawa nyo at ipapaliwanag din ang meaning.. Okay ba yun sa inyo??" Tumango naman yung nasa strand na binanggit ni ma'am..
BINABASA MO ANG
That Selfish Is Selfless
HumorMeet Monday Fajardo, ang madamot na estudyante ng Lee University. That Selfish is Selfless by: SIRIisthename Short Story (Unedited) (Slow update) Pics are from google&facebook Plagiarism is a crime. June 2020