Ch.6
Monday's P.O.V.May magical power ba si Crys? At ang ability nya ay to make things happen?
Kamag-anak ba nya si Harry Potter? Nagpaturo ba sya ng mga spells?
Eh Gennie? Meron kaya sya? Nakapulot ba sya ng lamp sa tabi-tabi at humiling?
O kaya reincarnation ako ni Cinderella at sya ang fairy Godmother ko?
O baka naman mangkukulam talaga sya? Baka gumawa sya ng potion o nagsagawa ng napakaraming ritual para mangyari ang sinabi nya??
"Pwede ba akong maki-share ng table?"
Napatigil kaming tatlo sa pagkain dahil sa pamilyar na boses na iyon. Nilingon namin sya na may gulat sa mukha.
Is this really really real?? Makikishare ba talaga sa amin si Walter?
I look at Crys. She's currently giving me that look that says--'i told you so..'--while grinning. Parang kailan lang ng isumpa ni Crys na lalapitan kami ni Walter. Kailan nga ba yun? Siguro mga 5 days ago ata? At biruin mo nga naman. Di ko alam kung coincidence lang ba to o talagang mangkukulam siya?
"Uhh, kung ayaw nyo, okay lang--"
"Teka brad!! Okay lang sa amin.." putol agad ni Jojo ng akmang hahakbang na patalikod si Walter.
Brad? First time kong marinig sa kanya yun ah?
Ngumiti sya.
That just melt my heart..
"Salamat." Nagsimula na syang humakbang palapit sa upuan. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil nahalata kong sa upuan katabi ni Jojo sya balak pumwesto. Means, sa katabi kong upuan.
Na-alarma ako. I was about to open my mouth pero mukhang nakahalata yung dalawa.
"K-kuya! Dito ka na po!" Turo ni Crys sa upuan na katapat ko.
Nagtataka man, sumunod na lang sya.
Nakahinga ako ng maluwag sa ginawa niya. But it doesn't mean nawala na ang kaba ko. Ikaw kaya, sa tapat mo lang nakaupo ang taong gusto mo!
Sobrang lapit.. pero mahirap pa ring abutin..
Pasimple namang nilagay ng magkapatid ang kanilang bag sa dalawang bakanteng upuan sa magkabilaan ko..
I mentally smiled for that.
Nang magsink na sa akin ang nangyayari, dun ko lang napansin ang mga bulungan ng mga estudyante dito sa caf.
Kahit mahirap, pinilit kong wag pakinggan ang mga sinasabi nila. Pinilit kong wag pansinin ang mga mapanuring tingin.
Hindi man halata, pero masaya ako sa pag-approach sa amin ni Walter. Kaya ayokong masira ang mood ko dahil lang sa opinyon ng iba na di naman namin kailangan. Wala rin namang paki itong tatlo sa nangyayari sa paligid eh. So bakit ako magpapa-apekto?
"Ako pala si Walter Ybanon.." ngiting pakilala nya sa amin kahit sa totoo lang kilalang kilala na namin sya. Pero syempre di namin yun sinabi.
"Ako si Jojo. Ito naman sila si Crys-Crys at si Momo!!"
"Kuya!! Crys nga sabi eh!" Simangot ni Crys sa kapatid. Pinagkrus nya ang mga braso at umirap.
Halos masampal ko na ang noo ko. Ang galing nyang kaibigan no? Sya pa ang nagpakilala sa amin.
"Real name nyo ba yan?" Takang tanong ni Walter na nakakunot noo. Hindi ko mapigilang titigan sya. Kahit seryoso ang mukha..
..cute pa rin.
BINABASA MO ANG
That Selfish Is Selfless
HumorMeet Monday Fajardo, ang madamot na estudyante ng Lee University. That Selfish is Selfless by: SIRIisthename Short Story (Unedited) (Slow update) Pics are from google&facebook Plagiarism is a crime. June 2020