🎀 TSIS 03

2 0 0
                                    

ch.3

Monday's P.O.V.

Few days ago, hindi man lang pumasok sa isip ko na may mababago pa sa buhay ko.. Inaasahan ko ng paulit-ulit lang lagi ang mangyayari sa akin.

Gigising ng maaga, kakain, magaayos, papasok, mag-aaral, Kakain ulit, papasok, mag-uuwian, makakausap si mama, tapos matutulog..

Nakatatak na sa isip ko na ganun lang lagi ang mangyayari sa akin hanggang mamatay ako.

But I didn't expect na may dalawang kabute ang susulpot sa buhay ko at kukulitin ako para maging kaibigan sila.. I never thought na after years of being alone, dadating ang araw na magkakaroon ako ng karamay. Well, I didn't actually show them my emotions kasi naninibago pa ako. But I know habang patagal ng patagal, masasanay ako sa presensya nila. I didn't expect na iba sila.

And I aslo didn't expect to see myself sitting uncomfortably here in cafeteria. Ilang araw na ang nakalipas nung maging kaibigan ko sila. At aaminin kong masaya naman silang kasama. Ilang beses na rin nila akong napapayag na pumasok dito sa cafeteria..

Argh! Pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ako dito tatapak. Pero anong nangyari? Nandito pa rin ako..

Alalang-alala ko pa rin kung paano ako pilitin ng dalawang to para sumama sa kanilang kumain dito sa cafeteria.. And guess what?? Isang araw lang naman nila akong pinilit na pumunta dito. Nope guys, hindi ako marupok, sadyang pinaglihi lang talaga sila sa kakulitan...

Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin yung araw na unang beses kong tumapak dito. Yung mga tingin nung estudyante sa amin, lalo na sa akin, I still remember it all. Para akong isang taong walang karapatan na pumasok sa ganitong lugar kasi nakakawalan ng gana ang presensya. Hindi nila ako pinag-uusapan ng lantaran, but I know in their minds, kung ano na naman ang mga pinagsasasabi nila tungkol sa akin..

Hindi naman binigyan ng pansin nila Crys ang nangyayari kahit sobrang halata naman. At pinagpapasalamat ko yun..

Hindi naman nila nakalimutan yung pangatlong kondisyon ko. Kaya nagulat talaga ako ng mag-initiate sila ng sitting arrangement.

Pinili nila yung table na parihaba na katabi ng pader. Yung pang-lima hanggang anim na tao. Pinaupo nila ako sa head ng table, yung side na pang-isahan lang. Tapos pumuwesto sila sa magkabilaan kong side, pero dun sila sa kabilang dulo, katabi ng isa pang head ng table. Ibig sabihin bakante yung katabi kong upuan sa magkabila..

"Pansin kong ang tahimik mong tao.." napabalik ako sa kasalukuyan sa tanong ni Jojo.. When I looked at him, sumubo sya ng dalawang magkasunod na kutsara ng lunch nya..

Gutom??

"Tahimik ba?? Sorry naman kung hindi ako makasabay sa 'kadaldalan' nyo.." I shrugged. Pinagdiinan ko din ang salitang kadaldalan..

"Ay grabe sya! Kadaldalan talaga?
Di ba pwedeng palakwento lang talaga kami??" Sabi ni Jojo..

"Pfft!! Pareho lang din naman yun, Jojo.." napatigil sya bigla sa pagkain nya at gulat na tumingin sa akin..

"Anong tinawag mo sa akin??"

"Uhh, Jojo??" I awkwardly said. Ayaw nya ba ng nickname ko?? Masyado kasing mahaba ang Jonathan eh, kaya pinaikli ko na lang.

"Pfft!! Jojo?? Dapat dineretso mo na lang sa Jeje Monday, bagay naman kay kuya eh.." Tawa ni Crys, kaya nakatanggap sya ng masamang tingin galing kay Jojo..

"Hoy! Kung maka-jeje naman to! Baka nakakalimutan mo, magkapatid tayo. Ibig sabihin jeje ka rin!" Tapos umirap pa sya ng pabiro..

Nakalimutan ko, magkapatid pala sila, pero kung umasta sila parang hindi eh. Mas matanda nga lang ng dalawang taon si Jojo. Pero sabi nya sa akin, kahit wag ko na daw syang tawaging kuya, nakakatanda daw kasi. Napailing na lang ako nung sinabi nya yun..

That Selfish Is SelflessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon