02

31 9 40
                                    

assurance of salvation

Isang tanong. Naligtas nga ba ako? Ang sagot, hindi ko alam. Ang dating sigurado kong sagot ay nauwi sa 'hindi ko alam'

Masyado pa lang siguro akong bata noon, pero alam ko sa sarili ko na wala sa edad iyon. Hindi ko lang maamin sa aking sarili, na nung mga oras na yon, hindi ko Sya tinanggap. Masyadong bata? Pwedeng idahilan, pero mulat ako sa katotohanan, malalim na kung mag isip at marunong ng umintindi, panong magiging rason ang pagiging bata hindi ba?

Mahirap lang talagang aminin na yung inakala kong kaligtasan ay sa wakas, hawak ko na. Siguro oo, nahawakan ko. Pero muli ko itong nabitawan dahil nahatak ako ng mundo.

Kung gaano kahirap para sa akin panghawakan ang kaligtasan na meron ako, ganoon naman kadali na nabitawan ko iyon.

"Nakakamiss maging grade 7 ano? Ang sarap bumalik sa dati, chill lang."

Hawak ang g7 class picture namin, ngumiti ako kay Florencia. Totoong ang sarap balikan ng mas bata naming anyo. Nakakamiss ang lahat, lalo na nung araw na akala ko naligtas ako.

"Guys gusto nyo ba sumali sa Bible Study? Si ate Aeiril ang discipleship leader natin. Game?" Tanong ni Linda.

Isang araw pag katapos ng aming klase iyan ang sumalubong sa aming mag kakaibigan.

"Sige kailan ba?" Tanong ko, dahil walang naka imik sa mga kaibigan ko.

"Tuwing labasan, 15 minutes lang. Ngayon ang start hehe."

Si Linda ay isa sa malapit kong kaibigan, taong simbahan sya. Mula bata pa lang kami kaklase ko na sya, halos dito na kami lumaki parehas, kasama si Kendra at Florencia.

Walang nag reklamo sa mga kasama ko, sabay sabay kaming pumunta sa church dahil nandoon daw si ate Aeril. Pag kapasok namin sa loob, sa pinaka dulong parte kami nauupo.

"Kamusta kayo? I hope you are all doing good. May isang tanong lang ako, ligtas na ba kayo?"

Iyan na naman sila sa tanong na yan, minsan naiinis na rin ako. Ang dali lang naman ng sagot pero bakit hindi ko masabi? Hindi ako komportable sa gantong usapan.

"Opo." Hindi ako sigurado pero iyan ang isinagot ko.

Tinanong kami kung kailan kami naligtas at halos lahat kami ang isinagot ay nung camping. Well that's there aim, ang makapag ligtas ng kaluluwa kaya naman pinipilit talaga kami sumama sa camp, its for our own sake. Pero ang tingin ng karamihan sa amin ay nag hahakot lang sila ng pera, isa na ako doon. Yes I am beyond thankful at naranasan ko ang ganoong klaseng pakiramdam nung araw na yon, pero hindi ko talaga alam kung bakit sa tingin ko, bukod sa makapag ligtas sila may iba pa silang motibo.

"When there is Salvation there comes assurance, right?"

That is, that's the statement. Its true, kailangan namin ng kasiguraduhan at hindi ko alam kung sa papaanong paraan ako makakasiguro.

"Assurance of salvation, that's our topic for today. Sure na ba kayo na sa langit ang punto ninyo? O sa impyerno na dapat naman talaga nating lahat pupuntahan? Are you all sure that the salvation you have is true and sincere?"

Am I? Hindi rin ako sigurado kung hindi nga ako ligtas. Nakakasira ng ulo.

"The certainity of Christians, that will be the title. Based on John chapter 5 verse 14.

Do you know what's the certain fear of all?
Death.

How will you know if you are truly saved? Here's the thing,

When His the CenterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon