What is life?
"Oo ate, bingi ka ba?"
Hindi pa rin ako makapaniwala na tiningnan sya. Agad kong binuksan ang cellphone ko para itanong kay Kendea kung totoo ba ang narinig ko. Pero katulad ko, ay wala din s'yang alam tulad ng inaasahan ko!
"Sigurado ka ba, ha?!" Muli kong tanong, at agad naman na nalukot ang kan'yang mukha, senyales na naiirita na s'ya.
Itinuon ko na lang ang aking pansin sa asignatura ko, mahirap na at baka mapatayo sa klase bukas. At para na rin makalimutan ang nalaman ko tungkol kay Shiro.
"Gosh, Thursday ngayon! Tamang tulog na naman sa preaching."
Kasalukuyan kaming kumakain ng aming binalot dito sa kantina, kasama ang mga buraot kong kaklase. Panay ang kanilang kuha ng aming ulam ni na Florencia. Hindi ko magawang magreklamo at idinadaan na lamang sa blangkong mukha. Tss, wala bang mga magulang itong mga 'to?
"Grabe naman kasing init sa chapel! Bibliya ang itinuturo ngunit empyerno ang pakiramdam!" Agad na sumangayon ang iba.
Isa nga iyon sa dahilan kung bakit minsan ay nawawala ang aming focus sa pastor, dahil sa hindi kaaya-ayang pakiramdam!
Rinig namin na nagring na ang bell, kaya naman dumiretso na kami sa aming silid, upang ilagay sa bag ang aming pinagkainan. May konting oras pa kami para mag pa lamig bago salubungin ang napaka-init na araw sa labas.
"Pst, may Bibliya ka na?" Biglang sumulpot sa tabi ko si Shiro, na dahilan ng saglit na pag taas baba ng tibok ng aking puso at dagliang panlalamig ng aking katawan. Ibang klase talaga ang dating ng presensya n'ya sa akin, kapag hindi ko sya inaasahan!
"Oo, bakit?" Tanong ko at hinarap s'ya na nakakunot ang noo.
"Wala," agad nya akong tinalikuran at lumabas na ng pintuan para pumila sa aming koridor.
"Hakdog kayo, bayadan nyo yan ha!" Panay ang pamimigay ni Florencia ng kanyang paninda na hotdog rolls.
"Uy, ikaw Akira hindi ka ba bibili? Paubos na oh," ipinakita n'ya ang dadal'wa ng piraso ng kanya tinda.
"Pass," mauubos na ang pera ko sa kan'ya eh!
Saglit pa kaming pinaghintay sa labas ng chapel, dahil ang mga naunang seksyon sa amin ay palabas pa lamang.
"So our topic for today is, What is life all about?
Ano nga ba ang ibig sabihin ng buhay para sa'tin, para sa inyong mga kabataan?" Open your Bibles in the book of Psalms,
Psalms 1:1-6
[1]Blessed is the man that walketh not in the counsel of the ungodly, nor standeth in the way of sinners, nor sitteth in the seat of the scornful.
[2]But his delight is in the law of the LORD; and in his law doth he meditate day and night.
[3]And he shall be like a tree planted by the rivers of water, that bringeth forth his fruit in his season; his leaf also shall not wither; and whatsoever he doeth shall prosper.
[4]The ungodly are not so: but are like the chaff which the wind driveth away.
[5]Therefore the ungodly shall not stand in the judgment, nor sinners in the congregation of the righteous.
[6]For the LORD knoweth the way of the righteous: but the way of the ungodly shall perish.
Sa anim na verse na ito, ay may ilan akong nakitang punto, mga punto ng ibig sabihin ng buhay."

BINABASA MO ANG
When His the Center
Non-FictionLife is about knowing Him. Akira Serviente, just a normal girl who do sinful things, but she knows her limitation. Tempations is strong on her, She's after the devil and she is not aware of it. Babad sa social media, inom doon inom dito. Gala doon...