Chapter 05

3.5K 41 0
                                    


Mische POV

"gusto ko ding sumama" sagot ko kay Franz. Sila kasi pinakaclose kong babae sa school at may balak silang magcamping.

"oo naman.. Kasama ka noh. Pag uusapan nga natin ngayon yung mga dadalhin" sagot nila sakin.

*phone ringing*

Si Dayle
Hayssssss

Ako : hello

Dayle: asan ka? Puntahan mo ko sa bahay

Ako: ahmm kasi Dayle, andito ako kasama sila Franz, may pinag uusapan lang kami

Dayle: wala akong paki. Pumunta ka dito!

Ako: pero di pa kami tapos..

Dayle: di ka ba makaintindi?! Sabi ko pumunta ka na ngayon

Ako: may pinag uusapan pa nga kami. Pag natapos promise p-------

Dayle: tang*ina pumunta ka na! O gusto mong makita pa ng mga kaibigan mo pano kita kakaladkarin papunta dito!

*call ended*

Agad kong pinunasan ang luha ko. Ayokong makita nilang may pinagdadaanan ako.

Agad ako nagpaalam kanila Franz. Kailangan ko puntahan si Dayle dahil baka saktan na naman nya ko. Iniiwasan ko laging magalit sya.

"aalis ka na naman. Hindi ka na namin nakakasama ah.. Simula ng naging kayo ni Dayle"

Nginitian ko lang sila.
Anong magagawa ko.
"bawi na lang ako. una na ko" yun lang ang nasagot ko.

Sunud sunuran ako sa mga gusto nya dahil natatakot ipakalat nya yung mga videos.

Napakadami nyang videos ko. Dati pa pala may mga cctv sya sa bahay nya at nakukuhanan nya pati mga pagligo ko.

Hindi ko akalaing baliw sya at nagawa nya sakin yun! Sobrang obsessed nya na kahit sa cp nya may folder dun na nakahide pero puro ako ang laman.

Monitor nya lahat sakin.
Pati mga lalaking pumuporma sakin noon. Kaya pala humihinto sa panliligaw sakin dahil binubugbog nila Dayle

Kelan ko lang din nalaman na si Dayle ang leader ng pinakainiiwasang gang dito sa school. Yun ang pinakanakakatakot na gang dito. Kaya pala lagi nyang kasama ang mga yun. Wala akong kaalam alam. Kayang pumatay ng mga yun pag nakabangga mo sila at mga kick outs andun.

Yung gang nila. Hindi mo alam kung sino ang leader dun. Ganun nila proteksyunan ang boss nila kaya walang nakakaalam na ganung nakakatakot si Dayle. Hindi sya basta basta.

Buong akala ko kilala ko na sya. Hindi pa pala. Kaya pala nung may nambully sakin dati na mga babae. Nagalit si Dayle at sinabing sya ang bahala sa mga yun. Alam nyo bang nawala na lang bigla yung 3 babaeng yun. Hanggang ngayon hindi alam kung nasan katawan nila.

Pag naiisip ko ang lahat. Nagsisimula na naman akong matakot sa kanya eh. Ayoko na talaga magkaron ng koneksyon sa kanya.

Pagdating sa bahay nya.
Umiinom sya ng alak.
Hinalikan nya ko at muling naupo sa sofa. Nakatayo pa din ako. Hindi ako magtatagal uuwi din ako agad.

"dito ka" pinapaupo nya ko sa tabi nya.

"bakit mo ko pinapunta dito?" tanong ko.

"wala lang. Samahan mo ko" nagsalin sya ng alak sa baso at pinapainom ako.

Tss. Yun lang pala.

"D..Dayle.. Magpapaalam sana ako" mahinang sabi ko.

Nakatingin lang sya sakin. Sana payagan nya ko.

His Prisoner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon