Mische POV
May lalaking pumasok at tinignan ang sugat ko. Kung di ako nagkakamali. Sya si Drei? Pinsan ni Dayle.
Umalis si Dayle kaya naiwan kaming dalawa.
Ginamot nya ang sugat ko at nakatingin lang ako sa kanya.
Itinupi nya ang shorts ko at nagsimula ng gamutin ang sugat ko.
Hinawakan ko ito para di bumaba.Tahimik lang kami parehas.
Nag-iisip ako. Matulungan nya kaya ako? Pero pinsan sya ni Dayle? Baka isumbong nya ko dito."t..tulungan mo ko" tinignan ako nito. "nahihirapan na ko dito.."
"bakit? Sumama ka kay Dayle pero di mo alam na ganyan sya?" sagot nya.
"hindi ako sumama sa kanya. Kinulong nya ko dito" sabi ko. Tumigil sya sa ginagawa nya.
"Maganda ka.. Hindi ko masisi bakit nababaliw sya sayo. Mahal ka lang nya" si Drei.
"p..pero mali ang ginagawa nya"
"mali? Hmmm Puro kami lalaki sa pamilya. At nakalakihan na namin na ang lalaki ang makapangyarihan at ang babae ay ginawa para lang samin. Para pagsilbihan kami at para ibigay ang gusto namin" sabi nya.
"mali ang paniniwala nyo. Hindi nyo kami pagmamay-ari"
"tss. Anong mali? Totoo yun.. " tinignan nya ko pero umiwas ako ng tingin.
Sige pag tinulungan kita.. Anong kapalit?" sabi nya. Napakalagkit ng tingin nya sakin.Napansin ko na lang na hawak pa din nito ang hita ko kahit tapos nya na gamutin.
Agad kong binaba yung tupi ng shorts ko pero pinigilan nya.
"tinatanong ko kung ano ang kapalit?" nakangising sabi nya.
"a..ano bang ginagawa mo!" inis na sabi ko. Lumapit sya kaya nagulat ako!
"tutulungan kita pero alam mo kung ano ang kapalit" napatingin ako sa kanya. Seryoso ang mukha nya.
Itutulak ko sana sya pero tumayo na din agad sya sakto pagdating ni Dayle.
"anong nangyayari dyan?" si Dayle.
"hmm.. Magaling na ang sugat nya. Pero mukhang hindi na makakalakad ang kaliwang paa nya." inayos na nito ang gamit nya. "pano ba yan? Mauna na ko" sabi nya. Tumingin sya sakin bago umalis. May ibig sabihin ang bawat pagtingin nya.
Naglakad na sya palabas kasabay sya ni Dayle. Naiwan ako mag-isa. Hindi ko maintindihan bakit ganun ang paniniwalang kinalakhan nila. Mali, sobrang mali. At anong kapalit ang sinasabi nya. Mukhang parehas pa silang masama ang ugali.
~~~~~~~❤~~~~~~~~
Pumasok si Dayle at may dala dalang pagkain.
Dito na ko sa kwarto nya tumutuloy at sinara nya na ang basement. Ilang araw na ding hindi nya ko ginagalaw.
"simula ngayon hindi na kita itatali. Malaya ka nang makakalakad sa loob ng bahay ko. Pero hindi ka pwedeng lumabas"
Napatingin ako sa sugat ko.
Hindi pa din ako nakakalakad gawa nya."s..sorry" napansin nya na hindi nga pala ako makakalakad.
Inayos nya ang mga kakainin ko.
Pinilit ko naman tumayo para pumunta ng CR pero hindi ko talaga kayang ihakbang. Tinamaan kasi ang buto ko sa pagsaksak nya. Matagal tagal na pero di pa din to lubusang gumagaling dahil nainfection.
BINABASA MO ANG
His Prisoner (Complete)
RomanceDayle and Mische are bestfriends since highschool. Halos hindi sila mapaghiwalay sa sobrang close nila kaya hindi sadyang nahulog ang binata sa dalaga. Pero simula nang magkaroon ng kasintahin si Mische. Dito na nagsimula magbago ang kaibigan. Anong...