L.S. S #1 : SAVIOUR

644 17 1
                                    

------------------------------------------------------------

     It all started when a 5 year old girl with pigtails approached a boy with an eye patch in his left eye.

“Why you have that?” Tanong nito sa batang may eye patch na nagbabasa ng libro.

“Ano?” Takang tanong ng batang may eye patch ng mapansin nya ang babae.

Napangiti pa sya ng makita ang itsura nito, hindi maayos ang pig tails nito at may bungi pa ang ngipin, ngunit di matatanggi ang kacute-an nito.

“Why you have that eye patch? Is youl lep (your left) eye blind?” Nabubulol na tanong nito.

“Ah no, may eye irritation ako.” Sagot naman nito at ngumiti sa batang babae.

“I don't know was (what's) that but you loot tool! (look cool) with youl (your) eye patch!” Sabi nito at humagikgik pa at pumalakpak.

  That's how their friendship built, from the curiosity of the younger girl.

“Kuyaaa!!” Umiiyak na sigaw ng 6 years old na batang babae at lumapit sa isang bata na may eye patch sa kanyang left eye.

“Bakit ka naman umiiyak?” Nag aalalang tanong naman nito sa batang babae.

“K-kuya mataba daw a-akooo! Tsaka pangit tapos sabi pa nila kuya di daw ako m-mahal ng parents ko kaya nila ako i-iniwan.” Himihikbing sumbong nito at niyakap ang batang may eye patch.

“Psh! Wag mo silang pansinin inggit lang sila sayo kasi di ko sila pinagluluto! Mahal ka ng parents mo kaya nga binabantayan ka nila from heaven diba? And I'm also here, I love you. Wag ka na umiyak. Bilhan kita ice cream?” Pag papagaan ng batang may eye patch sa batang babae at tinapiktapik ang likod nito bago hinalikan ang ulo nito.

From then mas lalong naging close ang dalawa.

“Ang taba mo!”

“Oink oink!”

“Naiwanan ka siguro sa kusina!”

“Eww ang pangit mo na nga ang taba mo pa”

Walang magawa ang batang babae kundi umiyak ng umiyak habang pinagtatawanan sya ng mga kaedaran nyang babae.

“What the heck y'all doing!” Galit na sigaw ng teenager na may eye patch at pinukulan ng masamang tingin ang mga babaeng pinagtatawanan ang batang babae.

“Bumalik na kayo sa klase nyo bago pa mandilim paningin ko sa inyo!” Sigaw pa nito at lumapit sa batang babaeng umiiyak.

“Bakit ano bang kaya mong gawin huh bulag? Totoo naman sinasabi nila ang taba taba ng kaibigan mo! Sa sobrang taba nya pagtumatakbo sya parang nalindol.” Pang-aasar naman ng isang lalaki na lalong ikinaiyak ng batang babae.

Agad naman naglakad papunta dito ang teenager na naka eye patch at pinagsasapak ang lalaki na ikinatakot ng ilan sa nambubully sa batang babae na naging dahilan upang kumaripas sila ng takbo.

“Kuya tama na...” Natatakot na bulong ng batang babae na nagpatigil sa teenager na naka eye patch.

Simula noon naging protector ng batang babae ang kaibigan nyang naka eye patch. And now the girl is fourteen years old and their friendship is going strong for almost 8 years.

SAVIOUR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon