LS.S #1 : SAVIOUR - TWO

200 12 0
                                    

-----------------------------------------------------------

- Save and Safe -

-----------------------------------------------------------

LOUREENE'S POV


"---I advice na pagpahingahin mo muna sya 3-5 days, pakainin mo din sya ng healthy foods para mapabilis ang paggaling nya."

"I will. Thank you nagpunta ka agad dito."

"No problem, kung may kailangan ka pa tawagan mo na lang ako okay? Kailangan ko na umalis madami pang patient naghihintay sakin"

"Take care!"

Nagising na lang ako sa pag-uusap ng dalawang taong may di ko kilalang boses, na sinundan ng bahagyang pag sara ng pinto.

"Ang sakit ng ulo ko." Mahinang reklamo ko at bahagyang hinilot ang ulo ko.

"Hey, are you fine?" Rinig kong tanong ng taong may raspy voice.

Nakakarelax yung boses nya eventhough I don't know who's the owner of the voice.

Wait? What!

I don't know her!

She's a freaking stranger!

And I don't freaking know where I am!

Agad napamulat ang mga mata ko ng marealize kong hindi ko alam kung nasan ako. Bigla naman nag sync in sakin ang mga nangyari kagabi, yung pagsunong ko sa ulan para lang masurprise ang long time boyfriend ko tapos yung nasaksihan ko kagabi. Fuck!

"Where am I? Who are you? Why I'm here?" Sunod-sunod kong tanong at bahagyang umupo.

"Isa-isang tanong lang pwede?" Wika nito bago may kinuha syang small foldable meal table at nilagay ito sa harap ko.

"I'm Tallie Gomez but you can call me Allie, you're here in my unit cause I saw you fainted last night." Sagot nito at kinuha ang tray sa bedside table na naglalaman ng prutas at lugaw.

"Here eat this so you can regain your strength." Sabi nito at inilapag sa foldable meal table ang tray.

"Thank you." Pasasalamat ko na ikinatango nito at umupo sa upuan na nasa gilid ng kama.

"I'm Loureene Zamora, I'm a singer, dancer and composer." Pagpapakilala ko at kumain na.

Inuna ko muna yung lugaw syempre.

"Oh really? Kaya pala pamilyar ka." Wika nito.

"Sorry nga pala kung medyo naabala kita." Paumanhin ko at sumubo ulit ng lugaw.

Wala na akong paki kung magmukha akong gutom na gutom. Hindi ako kumain kagabi para isurprise yung manlolokong yun tas lolokohin na naman pala ulit ako, gutom lang tuloy inabot ko.

"Wag ka mag-alala pagtapos ko kumain, uuwi na ako." Wika ko at sumubo ulit.

"Don't worry di ka nakakaabala. Mag pahinga ka muna, kailangan mo yun." Wika nito at nginitian ako.

SAVIOUR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon