LS.S #1 : SAVIOUR - FOUR

147 10 0
                                    

-----------------------------------------------------------

- End -

-----------------------------------------------------------

LOUREENE’S POV

“Ang sakit.” Reklamo ni Laveighn habang hinihimas ang butt nya.

“Kung kailan mag isa ka na lang sa kama tsaka ka pa nahulog.” Natatawang sabi ko habang tinutuyo ang basa kong buhok.

Kapapasok ko lang sa kwarto nang mahulog si Laveighn sa pagkakahiga nya sa kama, nagpagulong gulong kasi ito hanggang sa mahulog sya sa sahig. Carpet naman ito kaya hindi naman siguro ganun kasakit ang pagkakabagsak nya.

“Hmp! Bakit kasi ang liit ng kama mo.” Reklamo nya at tumayo sa pagkakaupo sa sahig.

“Mag isa lang naman ako, so what's the use of a big bed?”

“Maligo ka na nga, magluluto na ako ng umagahan natin.” Utos ko dito at nagsuklay.

“Protein shake ko a!” Wika nya at yumakap sakin.

“Opo.” Natatawang sagot ko.

Tumango tango naman sya at lumabas na ng kwarto ko.

Napailing iling na lang ako sa inaakto ni Laveighn, parang kagabi lang halos umiyak sya ng dugo tapos ngayon parang walang nangyari kagabi.

Kinuha ko muna ang cellphone ko bago ako lumabas ng Kwarto ko. Tiningnan ko ang mga notification dahil kagabi pa ito tunog ng tunog na halos basagin ko na to para lang di tumunog o mag vibrate.

Bumungad sakin ang miss calls and text messages ni Val.

5 miss calls and 8 messages

From : Val ❤

Hey Babe, bakit di ka na nagreply sa last message ko? - 11:30 pm

Babe may problema ba? -11:33 pm

Totoo bang pumunta ka sa Rest house last saturday? -11:35 pm

Bakit di mo sinasagot tawag and messages ko? -11:40 pm

Good Morning Beautiful lady hope we can talk to day. -7 am

I miss you babe, I love you💕. -7:25 am

I miss you so bad. -7:26 am

Message me pls. -7:45 am

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa mga text messages nya, napaka insensitive nya. Para bang walang nangyari kahit na alam nyang pumunta ako sa resthouse nya nung isang araw.

Agad akong nagreply sa messages nya sakin.

To : Val❤

I guess you're really high that night that you didn't notice me or you're just too busy eating someones face while a brunette hair girl grope your small dick. The purpose why I replied to you now is to let you know that WE ARE DONE, I'm done with your bullshits and lies. Thank you.

SAVIOUR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon