L.S. #1 : SAVIOUR - SEVEN

134 6 0
                                    

-----------------------------------------------------------

- Almost -

-----------------------------------------------------------

LOUREENE’S POV


“Are you sure about this place?” Tanong ko habang nililibot ang paningin sa paligid.

“Kinda.” Sagot ni Laurah habang nauuna na maglakad.

“What the? Gaga ka ba? Pano pag naligaw tayo dito sa Thailand?!” Naiinis na wika ko.

“Ano ba magtiwala ka sakin!” Wika nito at humarap pa sakin bago ngumisi.

“Yun na nga wala akong tiwala sayo.” Wika ko at umirap sa kanya.

“Ouch sakit mo naman magsalita.” Kunwaring nasasaktang wika nito bago nagpatuloy sa paglalakad.

Nandito kami sa Thailand, I don't know the specific place dahil hindi naman ako bihasa sa geography. Ang alam ko lang ay nagpunta kami sa Bangkok, Thailand para sa concert namin for our Worldwide Tour which is kahapon pa natapos.

At ngayon nga ay nagpasama sa akin si Laurah para daw kitain ang childhood friend nyang si Michel na matagal nya na daw hindi nakikita. Sa Mooncake Restau daw ang meet up place nila pero sa dinami dami naming dinaanan na restau wala pa akong nababasang Mooncake Restau.

“Baka naman in Thai letter yung spell ng Mooncake kaya hindi natin makita?” Tanong ko at humabol sa kanya sa paglalakad.

“That’s impossible si ate Chess ang may ari ng Restaurant na yun and nakapunta na ako dito last christmas hindi naman in Thai Language or letters yung name ng Mooncake Restaurant, English Alphabet naman sya.” Paliwanag nya habang nililibot ang paningin sa lugar.

Naiinip na nilibot ko din ang paningin ko sa lugar kahit na ba nahihilo ako sa daming dumadaan na tao sa lugar na tinitignan ko. Madaming Restaurant at streetfood kaming nakikita at may ilan ding clothing store.

“Shoot nakita ko na!” Masayang wika ni Laurah at mabilis na lumakad.

Nagtataka man ay agad akong sumunod sa kanya, hanggang sa tumakbo sya samantalang ako ay binilisan na lang ang paglalakad dahil wala na akong lakas tumakbo sa ilang oras na paglalakad namin. Pinokus ko na lang ang paningin ko sa kanya mahirap na baka mawala sya sa paningin ko dahil hindi ko naman kabisado ang lugar na to.

“Nagpasama pa kung iiwan din ako.” Naiinis na bulong ko sa sarili at binilisan pa ang lakad dahil nawawala wala sya sa paningin ko dahil sa dami ng taong naglalakad.

Kainis talaga!

“Laurah!” Tawag ko ng mawala sya sa paningin ko.

“Laur!” Sigaw ko pa at tuluyan ng tumakbo kahit masakit ang binti ko.

Masakit pa katawan ko dahil sa concert kahapon tapos nadagdagan pa nitong binti ko argh!

“Laurah!” Tawag ko ulit kahit na pinagtitinginan na ako ng mga tao.

Kapalan na lang ang mukha ayaw ko maligaw!

“Loureene?!” Rinig kong tawag sakin ni Laurah.

“Laurah!” Tawag ko at sinundan kung saan nanggagaling ang boses nito.

Nakipagsiksikan ako sa mga taong naglalakad pinipilit umuna, nagbabakasakaling makita ang babaeng nagpasama pero nang iwan.

SAVIOUR Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon