Chapter 1. Meet the Loyal

19 0 0
                                    

AJ's P.O.V

Ang himbing-himbing ngayon ng tulog ko, paano ba naman kasi nagkayayaan kami ng mga kababata ko na kakauwi lang galing nag migrate sa Singapore at syempre nakita ko ang childhood crush ko. Buti nalang wala akong hangover. Pero bago pa ang lahat, hayaan niyo muna akong magpakilala kahit dito nalang sa panaginip ko.

Name: Alexes John Black
Age: 20
Height: 6'1"
Blood Type: syempre ikaw ang type ko😁 hehehe..di joke lang, Blood Type A
Hair Color: Black (balik na ulit sa black since pasukan na)
Eye Color: Black

In short, ako 'to 👇👇

Sabi nila gwapo daw ako pero kayo na mag judge kung totoong gwapo ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Sabi nila gwapo daw ako pero kayo na mag judge kung totoong gwapo ako.

Anak mayaman syempre, sa apelyedo ko palang alam na eh..hehehe😁😁 Pero sa totoo lang din talaga mayaman ang parents ko, sila lang kasi sila din naman 'yung kumikita. Pero balang araw yayaman din ako tulad nila. Ako lang ang nag-iisang anak nila kaya kahit anong gusto ko binibigay nila kahit minsan may pagka stricto ang parents ko. Kami ang nagmamay-ari ng BGC o Black Group of Companies. Binubuo ito ng iba't ibang negosyo, pero syempre 'yong legal naman. May clothing line na ka business ni mommy ang bestfriend niya pero sa Singapore naka base na mommy ng mga childhood friends ko, minsan pa nga kami ang nag mo-model at real estate developer din kami at ang mga negosyong ito ay minana ni mommy kay lolo at lola since only child lang din siya. Habang si daddy naman ay minana nila ni tita Claudia ang hotels and condominiums, may resorts at may furniture business din na galing din naman sa parents nila pero silang dalawa ni tita Claudia ang nagmamanage nito bilang silang dalawa lang naman ang anak nina lolo at lola. Kaya nga ako pinapag-aral ng parents ko ng business course kasi nga daw, balang araw ako ang mag mamana ng negosyo namin.

Sa totoo lang, gwapo talaga ako..hehehe😁😁 di joke lang✌️✌️ Sa totoo lang talaga, hindi pa naman kasi talaga ako nag se-seryoso sa mga babae kasi..basta, ewan ko ba. Sabi nga nga Tito Armando ko, hindi ko pa kasi daw nakikita 'yung babae na magiging katapat ko. At tsaka - - -

"AJ!", naputol tuloy ang sasabihin ko, may tumawag kasi.

"At tsaka - - -"

"Hoy AJ!", sino ba 'tong tawag ng tawag sa'kin. Hindi ko tuloy matapos tapos ang sasabihin ko..

"At tsaka - - - "

"AJ! Gising na....", bigla nalang ako nagising ako nang maramdaman kong may kumalabit sa'kin.

"Good morning!", bati niya sa'kin habang nakangiti.

Tinitigan ko lang siya ng ilang sandali bago ako sumagot. Di ko pa kasi masyadong naaninag ang mukha niya.

"Go - - good morning din ba - -by?", sagot ko.

"Ano baby?! Hoy mine, sinong 'yang ibig mong sabihin?", tanong niyang naka kunot-noo.

Patay na! Si Mitch palang to, ang girlfriend ko. Kailan ko makagawa ng palusot.

"Ano bang sinasabi mong, sino ang ibig ko'ng sabihin? Eh alam mo namang para sa'kin ikaw ang baby ko.", sagot ko sa kanya habang ikinikiss ang pisngi niya sabay ngiti.

Sana lang buminta ang palusot ko.

"Ayeehh 😍 ikaw talaga mine, ang sweet sweet mo. Akala ko mag ibang babae ka na.", sabi niya sabay halik din sa pisngi ko. Buti nalang buminta. Hehehe..

Hindi naman talaga ako babaero, medyo lang. Hehehe..nagulat lang talaga ako kasi si Cassy ang kasama namin ng mga kaibigan ko kagabi sa inuman kaya akala ko talaga kanina na si Cassy siya. Crush ko kasi yon at baby girl ang tawag ko sa kanya. Pero syempre, hindi alam ng girlfriend ko, mahirap na baka mag away pa kami.

"Bumangon kana mine at baka ma late pa tayo, first day pa naman ng school ngayon.", sabi niya habang tinutungo ang pinto ng room ko.

"Yes mine. Mag aayos na po.", sabi ko sabay ngiti. Tumigil siya sa may pinto.

"Okay basta bilisan mo d'yan ha. I love you.", sagot niya sabay flyingkiss pa.

Tinitigan ko lang muna bago sumagot.

"Okay mine. Love you too.", sagot ko sabay ngiti. At tuloyan na siyang lumabas ng kwarto.

"Hoh! Buti nalang talaga magaling ako magpalusot.", nasabi ko sa sarili ko at tuloyan nang bumangon at nag ayos para pumasok sa school.

Pagkababa ko, nakita ko'ng nag aagahan na sina mommy at daddy at kasabay nila si Mitch. Medyo close na kasi sila. At tsaka 3 years na rin kasi kaming in a relationship ni Mitch. At malapit lang din naman kasi ang balay nila Mitch kasi nasa iisang subdivision lang naman kami kaya madalas dumadalaw siya dito.

"Oh AJ halikana at kumain na baka ma late pa kayo ni Mitch.", yaya sa'kin ni mommy.

Tumango lang ako sabay lapit sa mesa at umupo sa tabi ni Mitch.

"Wala bang hangover AJ?", tanong ni daddy sa kalagitnaan ng kainan namin.

"Hangover?", tanong ni Mitch sabay tingin sa'kin.

"Ah..eh, ano kasi. Dumating kahapon 'yong magkapatid na kababata ko kaya ayon nagkayayaan kaming uminom pero dito lang naman sa bahay.", sagot ko kay Mitch.

"S'ya nga pala anak, aalis ulit kami ni daddy mo at ngayong gabi ang flight namin. May kaila lang kami asikasuhing negosyo sa Italy at baka one week kami doon.", paalam ni mommy.

"Okay mom! Ingat kayo ni dad.", matipid kong sagot. Madalas kasi silang umaalis dahil sa negosyo kaya nasanay na ako na kami lang ng driver naming si kuya Jun at yaya Minda ang naiiwan.

"Cge na, bilisan niyo ng kumain at baka ma late pa kayo.", sabi ni daddy.

Nang matapos kaming kumain ni Mitch ay kinuha ko na ang sasakyan at nagmaneho na papuntang school.

***Author's Note***
3 days to update new chapter 😊

I fall inlove with the Playboy (Not you're typical love story)Where stories live. Discover now