Ethan's POV
First of school pero nakatapos lang namin mag enroll. Maayos naman kaming naka nag enroll at nakapasok na kami sa first lecture namin. Nakakagulat nga at magka-klase pala kami ni AJ. Pero ang mas nakagulat ay ng makita ko ang katabi niya, si Michelle. Hindi pa rin siya nagbabago, ang ganda pa rin.
(Author - Ethan)
"Ehermm.. saka na ang revelation, magpakilala ka muna."Ay oo nga pala, bago ko makalimutan magpakilala muna ako. Sayang naman ang pagkakataong maka POV, minsan lang to..hehehe😁😁
Name: Ethan - - -
Age: 21
Height: 5'11"
Eye Color: Black
Hair Color: BlackIto nga pala picture ko👇👇
Mabalik tayo sa eksena.
Kasalukuyang nagsasalita ang professor namin pero di na ako masyadong nakinig at nakatitig lang ako kay Michelle.
"Don't worry Mr. & Ms. Stanford, mababait naman itong mga ka-klase niyo. I'm sure you can easily adjust to this new environment & make new friends.", sabi ni prof.
"Oo naman prof. Actually may ka close na nga ako dito, diba AJ?",sagot ni Cassy kay prof.
Nakita ko'ng ngumiti si AJ sa amin. Pero kung ano kaganda ang ngiti sa'min AJ s'ya namang isinimangot ng mukha ni Michelle at ang sama pa ng tingin kay Cassy. Anong kayang problema niya sa sinabi ni Cassy.
"Mabuti naman kung ganoon. Sige maupo na kayo sa likoran nina AJ at Mitch.", utos sa'min ni prof.
So ito na nga, magkatabi kami ni Cassy na nakaupo sa likoran nina AJ at Michelle. Ewan ko ba, hindi ako mapakali. Gusto ko na siya'ng kausapin, dahil ang dami-dami ng mga gusto kung sabihin at itanong sa kanya.
Ng matapos ang morning lectures, nagyaya si AJ na sabay na daw kami kumain, nagulat naman ako at sumabay si Michelle sa amin. Ganito pa sila ka close ni AJ? Sana ngalang at ganoon lang, pero paano nalang pag - - - ay, hindi naman siguro.
>>FAST FORWARD>>
(Cafeteria ng School)Naupo kami sa isang square na table. Bali magkatabi parin kami ni - - -Cassy syempre, alangan naman kay Michelle ako tumabi. Ganito seating arrangement namin👇
AJ - - - Michelle
Cassy - - - AkoNag order muna kami ni AJ ng pagkain, at habang naghihintay sa order namin sinubukan ko'ng kausapin si AJ para magtanong.
"Pareng AJ, sino 'yang classmate na kasama na'tin? Ka - - kaibigan mo ba?", pag-aalangang tanong ko.
Ngumisi muna siya bago sumagot.
"Pagbalik na'tin sa upoan mamaya, ipapakilala ko siya sa inyo ni Cassy.", sagot niya.
Nang makabalik na kami sa upoan. Nagsimula nang ipakilala ni AJ si Michelle sa amin.
"Ahmm - - - Cassy, Pareng Ethan, meet Michelle Torres, girlfriend ko. Ay siya nga pala, Mitch nalang ang tawag niyo sa kanya. Hindi kasi siya komportable pag tinatawag siyang Michelle kasi may bad experience siya'ng naaalala noon sa pangalan niya.
"Teka, tama ba ang dinig ko? Si Michelle at Mitch na girlfriend ni AJ ay iisa?!", tanong ko sa sarili ko.
"At anong sabi ni AJ? May masamang naaalala
si Michelle pag tinatawag siya sa pangalan niya?", tanong ko ulit sa sarili ko.Ang dami-daming tanong na tumatakbo sa isip ko na gusto ko mabigyan ng linaw. Pero paano? Paano ko makakausap si Michelle ng masinsinan?
"Ethan!", bulyaw ni Cassy na kinagulat ko.
"Ano ba Cassy! Ba't kaba sumisigaw?!", pikon ko'ng tanong sa kanya ng mapansin ko'ng pinagtitinginan kami sa ibang mga studyante dahil sa pagbulyaw ni Cassy.
" Eh ikaw naman kasi pareng Ethan kanina ka pa namin tinatawag para makakain na pero nakatunganga ka lang. May problema ba pare?", tanong ni AJ.
"Ha? Ahh- - - ga- -ganoon ba? Wala namang problema pare, may iniisip lang ako.", utal ko'ng sagot.
"Ah, okay. Cge pare kumain kana at hihintayin ka na lang namin. Tapos na kasi kami kumain eh.", dagdag na niya. At napansin ko'ng tapos na nga talaga silang kumain.
"Ay hindi na pareng Ethan. Mauna nalang kayo at susunod na ako.", sagot ko.
"Sigurado ka'ng okay lang sa'yo kumain mag-isa?", biglang tanong ni Michelle. Ay, Mitch pala na kinagulat ko. Naaalala pa rin pala niya na ayaw ko'ng kumakain mag-isa kasi nahihirap akong lumunok pag ako lang kasi napakalonely.
"Bakit mo naman natanong Mine?", tanong ni AJ sa kanya. Mine din pala tawagan nila.
"Ha? Ay wala naman, natanong lang.", sagot naman niya.
"O- - okay lang. Cge mauna na kayo.", sagot ko naman. At tuluyan na silang umalis at naiwan ako sa cafeteria mag isa. Hindi ko rin naman kasi talaga makain ang inorder ko'ng pagkain, wala na akong gana eh.
Pagkatapos ang ilang sandali ay sumusunod na ako sa lecture room,at nagsimula na silang mag lecture.
"Five minutes na lang at matatapos na ang oras ng lecture na'tin, pero mauuna na akong lumabas at marami pa akong asikasohin sa office para sa inter-school chess competition.", paliwanag ng professor namin.
Hanggang sa matapos ang klase ay wala akong natutunan. Paano ba naman kasi, walang pumapasok sa isip ko kundi ang napakaraming tanong.
"Siya nga pala, AJ at Cassy sumunod tayo kasi sa office. The rest, hintayin niyo muna ang oras bago umalis ng room at baka masabon tayo ni dean pag nauna kayong lumabas ng wlaa sa oras.", dagdag pa ni prof.
"Yes prof!", sagot ng lahat.
Pagkatapos ay tuluyan ng umalis ng room si prof kasama sina AJ at Cassy. Nakita ko naman si Mitch sa harap ko at inaayos ang mga gamit niya at naghahanda ng lumabas ng room.
"Teka, baka pagkakataon ko nang malaman ang mga sagot ang mga tanong ko. Kakausapin ko na si Mitch ng matapos na 'to.", naisip ko sa sarili ko.
Ilang sandali pa at tumunog na ang bell na hudyat ng pagtatapos ng unang araw ng school.
"Ahmm- - -Mitch, uwi ka na?", tanong ko sa kanya. Kinakabahan talaga ako habang nagtatanong sa kanya.
"Oo, bakit?", tipid na sagot niya na hindi man lang lumingon sa'kin.
"P- - pwede ba kitang makausap?", tanong ko ulit na kanya. Ano ba to, ba't ako nabubulol?
"Para saan pa Ethan?", sagot niya habang lumilingon sa'kin. At nakita ko sa mga mata niya ang sobrang lungkot.
"Michelle please, mag-usap muna tayo.", pagkiusap ko.
"Mitch! Mitch ang itawag mo sa'kin. Wala kang karapatang tawagin ako sa pangalan ko matapos mo akong iwan noon.", singhal niya.
Hinawakan ko ang kamay niya pero tinabig lang niya ang kamay ko. Sobrang sakit talaga. Mahal na mahal ko 'to eh, simula pa noon at hanggang ngayon walang nagbago.
"Michel- - -Mitch, mag usap tayo pakiusap.", pagmamakaawa ko.
Nagkatitigan muna kami at ng akmang aasagot na sana siya ng dumating bigla sina AJ at Cassy.
"Ethan kasi - - -"
"Mine! Pareng Ethan! Anong pinag-uusapan niyo?", tanong ni AJ sa'min.
YOU ARE READING
I fall inlove with the Playboy (Not you're typical love story)
FanfictionAno ba ang ibang sabihin ng playboy? Sabi ng iba, naghahanap lang daw ng magandang babae na may magandang katawan na mapaglilibangan. Lalambingin, ipapafeel na mahalaga siya at kapag na fall na, iiwan nalang ng basta-basta. Sabi naman ng iba, ang pl...