Chapter 2. The Girlfriend

7 0 0
                                    

Mitch's POV

5:00am na pala. Kailangan ko nang bumangon at mag ayos para sa school. Ayaw kong malate sa unang araw namin lalo na't last year na namin sa college this school year.

Pumasok na ako nang shower at naligo pagkatapos ay nag ayos na din ako. Pagkababa ko, nakita ko sa Lola Amanda na naghahanda na ng almusal at katabi niya sa hapag si Lolo Echo. Nang makita ako ni lola na nasa hagdanan, tinawag niya ako.

"Apo, kumain ka muna bago ka pumasok.", tawag sa'kin ni lola.

Lumapit naman ako at humalik sa pisngi ng aking lolo at lola.

"Hindi na po lola. Kina AJ nalang pud ako mag-aagahan. Kasi kaila ko pang gisingin yon.

"Cge apo, basta mag iingat ka ha.", sabi naman ni lolo Echo.

"Cge po lolo Echo at lola Amanda, mauna na po ako.", sagot ko sa kanilang dalawa sabay labas ng bahay.

Naglalakad lang ako tuwing pupunta ako kina AJ kasi tatlong blocks lang naman ang pagitan sa mga bahay namin.

Habang maglalakad ako, ipapakilala ko muna ang sarili ko.

Hello!
Name: Michelle "Mitch" Torres.
Age: 20
Height: 5'5"
Eye Color: Dark Brown

Bunso sa anim na magkakapatid. Kung napansin niyo kanina, lolo at lola ko lang ang kasama sa bahay kasi taga Baguio talaga kami at nandoon ang pamilya ko pero gusto ko kasi na dito mag aral sa Manila kaya kasalukuyan akong tumitira ngayon sa bahay nina lolo at lola dahil sa na rin sa family problem namin tungkol sa negosyo. Tuwing summer naman umuuwi ako ng Baguio at ang plano ko this year, yayayain kong sumama si AJ.

By the way guys, ito nga pala ang picture ko. Di ako nag uniform, first day palang din naman ng school eh. Kayo na po bahala mag judge sa appearance ko. 👇👇

Teka, tama na ang pagpapakilala kasi andito na ako sa tapat ng bahay nina AJ

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Teka, tama na ang pagpapakilala kasi andito na ako sa tapat ng bahay nina AJ. Mag do-doorbell na ako.

*Ding-Dong*
*Ding-Dong*
*Ding-Dong*

Ilang sandali pa ay bumukas ang gate at iniluwa nito si Yaya Minda.

"Oh hija, Mitch pasok ka.", sabi ni Yaya Minda.

"Cge po.", tipid 'kong sagot at sabay na kaming pumasok sa loob.

Pagkapasok ko, bumungad sa dining area nila ang mommy Andrea and daddy James ni AJ.

"Good morning po tita at tito.", bati ko sa mag asawa sabay ngiti.

"Good morning din sa'yo Mitch.", bati sa'kin ni tito James.

"Si AJ po ba gising na? Baka kasi ma late po kami.", tanong ko sa mag asawa.

"Hay nako hija, hindi pa nagigising. Mabuti pa puntahan mo nalang sa kwarto niya at nang sabay-sabay na tayong mag almusal ng hindi kayo ma late.", bilin ni tita Andrea.

"Opo tita. Cge po, puntahan ko lang siya sa kwarto niya.", sagot ko kay tita Andrea. Tumango naman siya bilang hulat na pumayag siya.

Pumasok na ako sa kwarto ni AJ at nakita 'kong mahimbing pa ang tulog niya. Pinagmasdan ko lang muna siya ng ilang minuto dahil hindi ko mapigilan ang pagtitig sa napakagwapo niyang mukha. Parang anghel lang na natutulog. Pero kailangan ko ng gisingin to at baka malate pa kami.

"AJ!", tawag ko sa kanya pero hindi pa rin nagigising.

"Hoy AJ", tawag ko ulit pero walang effect pa rin, tulog mantika talaga.

"AJ! Gising na...", tawag ko sa kanya sabay kalabit para magising.

"Good morning!", bati ko sa boyfriend ko habang nakangiti.

Unti-unti niyang minulat ang magagandang mata niya pero tinitigan lang muna niya ako bago nagsalita.

"Go - - good morning din ba - -by?", sagot niya.

Huh? Sinong tinatawag niyang baby? Baka nagsimula ng magloko ang lalaking to, tsk tsk.. Humanda talaga siya. O baka naman gino-good time lang ako nito o di kaya eh naglalambing lang.

"Ano baby?! Hoy mine, sinong 'yang ibig mong sabihin?", tanong ko sa kanya nang naka kunot-noo.

"Ano bang sinasabi mong, sino ang ibig ko'ng sabihin? Eh alam mo namang para sa'kin ikaw ang baby ko.", sagot niya sabay halik sa pisngi ko.

Sabi na nga ba, naglalambing lang 'to eh.

"Ayeehh 😍 ikaw talaga mine, ang sweet sweet mo. Akala ko may ibang babae ka na.", sabi ko sabay halik din sa pisngi niya.

Pero unfairness, kinabahan din ako ng very very light. Baka naman kasi may iba na siya'ng gusto dahil sa pagkakaalam ko madami din naman ang nagkakagusto sa kanya. Pero ayaw ko naman magpahalata na kinabahan ako kaya change topic tayo.

"Bumangon kana mine at baka ma late pa tayo, first day pa naman ng school ngayon.", sabi ko sa kanya habang tinutungo ang pinto ng room niya.

"Yes mine. Mag aayos na po.", sagot niya sabay ngiti sa'kin habang naka tigil ako at naka tayo sa may pinto niya.

"Okay basta bilisan mo d'yan ha. I love you.", sabi ko sabay flyingkiss sa kanya.

"Okay mine. Love you too.", sagot niya sabay ngiti. At tuloyan na akong lumabas ng kwarto.

Pagkababa ko, nakita agad ako ni tita Andrea.

"Oh hija! Si AJ nasaan?", tanong ni tita.

"Nag aayos na po.", sagot ko naman.

"Oh siya sige, mauna kanang umupo at kumain na tayo.", sabi niya.

Naupo naman ako sa harap nina tito at tita since magkatabi sila. At ilang sandali pa ay bumaba na rin si AJ.

"Oh AJ halikana at kumain na baka ma late pa kayo ni Mitch.", tawag ni tita sa kanya.

Tumango naman siya at umupo sa tabi ko.

"Wala bang hangover AJ?", tanong ni tito sa kanya sa kalagitnaan ng kainan namin.

Natataka ako bakit ganoon ang tanong ni tito sa kanya. Teka, nag lasing ba 'to kagabi?

"Hangover?", tanong ko sa AJ sabay tingin sa kanya.

"Ah..eh, ano kasi. Dumating kahapon 'yong magkapatid na kababata ko kaya ayon nagkayayaan kaming uminom pero dito lang naman sa bahay.", sagot naman niya.

Mag tatanong pa sana ako kung sinong kababata kasi wala naman siyang naikwentong ganoon sa'kin noon pero naunahan akong magsalita ni tita Andrea.

"S'ya nga pala anak, aalis ulit kami ni daddy mo at ngayong gabi ang flight namin. May kaila lang kami asikasuhing negosyo sa Italy at baka one week kami doon.", paalam ng mommy niya.

"Okay mom! Ingat kayo ni dad.", sagot naman ni AJ.

Minsan talaga naaawa ako dito sa boyfriend ko. Hindi kasi niya madalas nakakasama ng matagal ang parents niya kasi sobrang busy sa negosyo nila. Kaya hindi ko din 'to pwedeng pabayaan nalang.

"Cge na, bilisan niyo ng kumain at baka ma late pa kayo.", sabi ni tito James.

Nang matapos kaming kumain ni AJ ay kinuha na niya ang sasakyan niya at nagmaneho na papuntang school.

I fall inlove with the Playboy (Not you're typical love story)Where stories live. Discover now