Chapter 5. Glimpse from the Past

2 0 0
                                    

AJ's POV

Kakatapos lang namin mag meeting nina prof at Cassy tungkol sa gaganaping inter-school business summit at kami ang magiging representative since kahit pa lang pareho na kaming magaling ni Cassy sa business. Last year, may competition pagkatapos ng summit tungkol sa mga natutunan namin at nanalo ang school namin sa men's category pero talo sa ladies category. Siguro dahil nag background check sila kay Cassy kaya nalaman nilang pareho kaming dalawa magaling sa business. Ang nakakainis lang ay sa Singapore gaganapin ang competition.

Dumiretso kami pabalik sa lecture room namin dahil ibabalita namin nina pareng Ethan at ng mine ko ang balita. Pagdating namin ni Cassy sa may pintoan, napatingin kami sa isa't isa ng makitang seryosong nag-uusap sina Ethan at Mitch.

Close na ba sila agad?
Out of my curiosity kung anong pinag-uusapan nila, sumambat na ako ng tanong.

"Mine! Pareng Ethan! Anong pinag-uusapan niyo?", tanong ko na kinabigla nila.

Nagkatitigan mo na sila bago sumagot si Mitch.

"Ah - - - eh- - - , ano kasi mine. Nagpapaturo siya kung saan banda ang CR dito sa building. Naiihi na daw kasi siya.", utal na sagot ni Mitch.

"Ah, ganoon ba. Akala ko naman kung ano. Ang seryoso kasi masyado ng mukha niyo.", sagot ko naman kay Mitch.

"Sa bandang kanan nitong building sa panghuling pinto 'yong CR pareng Ethan.", dagdag ko at lumingon kay Ethan.

"Ah ganoon ba. Cge pareng AJ salamat. Punta muna akong CR.", sagot naman ni Ethan sa'kin.

"Paano pare, hintayin ka na lang namin nina Cassy at Mitch sa baba?", tanong ko sa kanya.

Sasagot na sana siya ng magsalita si Mitch.

"Mine, mauna nalang tayo. Medyo masama kasi pakiramdam ko.", pahayag ni Mitch na medyo namumutla. Baka masama nga talaga ang pakiramdam niya.

"Ah cge pareng Ethan, Cassy, mauna na lang kami ng maka pagpahinga si Mitch.", paalam ko sa kanila.

"Sayang naman! Gusto ko pa naman sanang kumain sa labas kasama ka.", sagot ni Cassy. Itong babaeng to talaga.

"Aheerrrmmm...",si Mitch.

"I mean, kayo pala. Gusto ko'ng makasama kayo, tayo.", pawawasto ni Cassy.

"Cge pareng AJ mauna na kayo. Cassy, hintayin mo nalang ako sa baba.", pahayag ni Ethan saka umalis patungo sa direksyon na tinuro ko.

At ayon, nauna na nga kaming umalis ni Mitch. Habang nagmamaneho ako, nagpaalam ako Mitch na aalis kami after 2 months para sa inter-school chess competition pero simula bukas bibigyan na kami ng time para makapag prepare. At sinabihan ko na rin siya na sa Singapore ang venue. Pumayag naman siya. Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila, bumaba na siya at pumasok na sa bahay nila. Parang matamlay talaga siya ngayon, kaninang umaga ko pa napapansin to ng makapasok kami sa school pero noong nasa bahay pa kami sobrang excited niya pang pumasok.

>>Fast Forward>>
(The Day Before Ang Flight papuntang Singapore)

This past month napapansin ko'ng laging matamlay si Mitch. Pero kapang tinatanong ko siya, ayos lang din naman daw siya. Hindi ko talaga maintindihan, pakiramdam ko parang may mali talaga.

At para maalis ang bad vibes, kinausap ko si Cassy na mag party pang good luck sa amin at pumayag naman siya agad para din daw malibang si Ethan kasi lagi din daw itong matamlay at parang walang gana.

Pati din pala si Ethan. Ano ba kasing nangyayari.

***Sa Party***
Naisipa  namin ni Cassy na magrent ng isang buong bar at gawin itong exclusive para sa amin lang. At dahil may pagmamay-ari ng bar ang pamilya nina Cassy, siya na ang bahalang nag ayos ng venue. Kasama namin ngayon at iba pang kaibigan namin na sina Thrisha, Harold at Abby. Syempre nandito din sina Mitch at Ethan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I fall inlove with the Playboy (Not you're typical love story)Where stories live. Discover now