Cassy's POV
Aray! Grabe ang sakit ng ulo ko. Nasobrahan yata ako ng inum kagabi. Eh paano ba naman kasi namiss ko talaga ang mga childhood friends ko noong nasa Singapore kami, lalong lalo na si AJ na childhood crush ko. Well, pareho lang naman kasi kami, crush din niya ako dati.
***Flashback***
(14 years ago, Elementary Days)"Kuya Ethan, kuya Ethan!", tawag ko sa kuya ko'ng mas matanda sa'kin ng isang taon.
"O bakit ka sumisigaw?", tanong ni kuya Ethan.
"E kasi kuya, e susumbong ko lang kasi sayo 'yung ka-klase ko'ng si Harold. Kinuha na kasi 'yung bagong crayons na bili ni mommy.", sumbong ko kay kuya Ethan.
"Sige bsby, puntahan natin at pagagalit - - -, biglang naputol ang sasabihin ni Kuya Ethan ng may tumawag sa kanya.
"Pareng Ethan", tawag ng gwapong bata sa kuya Ethan ko.
"O pareng AJ ikaw pala.", tawag naman ni kuya sa kanya.
"Kuya Ethan, sino siya?", tanong ko kay kuya.
"Ay oo nga pala. Baby, meet my friend AJ. Nakilala ko siya noong sinama ako ni mommy magpa-enroll.", pag papakilala sa akin ni kuya sa gwapong si AJ.
"AJ, si Cassy nga pala. Kapatid ko.", dagdag pa ni kuya.
"Hello baby girl. Ethan nga pala.", pagpapakilala ni Ethan sabay kaway.
Ang gwapo talaga niya, sobra.
"Teka, saan nga pala kayo pupunta? Sama na ako, magiging classmates ko din naman si Cassy eh", sabi ni AJ.
"Sige tara! At pupuntahan ko pa 'yong ka-klase niyo'ng si Harold. Kinuha kasi niya ang crayons ni Cassy.", sabi naman ni Kuya Ethan.
"Sige! Awayin natin si Harold. Wag kang mag alala baby girl, akong bahala sa'yo.",pahayag ni AJ.
Grabe ang gwapo na nga niya, ang sweet pa. At doon nag simula ang pagiging malapit naming tatlo nila kuya. Kasama ni rin si Harold na kalauna'y naging kaibigan namin, pati na rin ang friends 'kong sina Thrisha at Abby. Bali 6 kaming magbabarkada. Caring at protective na talaga si AJ dati pa kaya nga feeling ko tuloy princess ako at siya ang prince ko. Pero nag bago ang lahat ng mag migrate kami noong Grade 5 pa lang kami. Iyak ng iyak pa nga ako kasi ayoko 'kong sumama.
***End of flashback***
(Present)
Pero ngayong nakauwi na kami ng Pinas, pangako ko sa sarili ko na babawiin ko si AJ sa girlfriend niya daw na si Mitch. At sinimulan ko na ang first move ko kagabi ng magkayayaan kaming magkakaibigan.***Knock Knock***
"Sino yan?", tanong ko nang narinig 'kong may kumakatok sa pinto ng aking kwarto.
"Cassy, mag handa ka na at nang makaalis na tayo. Alam mo namang ngayon pala tayo mag eenroll, baka mas malate tayo.", si kuya Ethan pala.
"Sige kuya, nag aayos na po.", sagot ko naman at dali-dali ng bumangon at naghanda.
"Antayin na kita sa baba.", dagdag ni kuya at narinig ko ng pumanhik siya ng hagdan.
Ilang sandali pa at tapos na akong magbihis. Tama, first day na ng klase ngayon sa buong college pero kami ni kuya Ethan e mag eenroll pa lang. Papaano ba naman kasi, kahapon lang kami nakauwi.
"Tara na Cassy!", tawag sa'kin ni kuya Ethan.
"Opo tara na.", sagot ko naman at pinaandar na ni kuya ang sasakyan. Siya nga pala, kami lang dalawa ni kuya ang umuwi ng Pinas.
Ay, teka lang. Kanina pa ako daldal ng daldal, pero hindi ko pa pala pinapakilala ang sarili ko.
"Hi readers. Wag muna maasar sa'kin sa pagiging kontrabida ko sa lovestory nina AJ at Mitch..hehehe😁😁
Name: Cassandra "Cassy" Stanford.
Age: 21
Height: 5'6"
Eye Color: Black
YOU ARE READING
I fall inlove with the Playboy (Not you're typical love story)
FanfictionAno ba ang ibang sabihin ng playboy? Sabi ng iba, naghahanap lang daw ng magandang babae na may magandang katawan na mapaglilibangan. Lalambingin, ipapafeel na mahalaga siya at kapag na fall na, iiwan nalang ng basta-basta. Sabi naman ng iba, ang pl...