Chapter 1: [ The Ace ]
XJ's POV
"HUWAAAAGGGGGG!''
"Shit."
Napatakip ako ng kamay sa kanang tenga.
"P-parang awa mo na.." Nanginginig netong sambit. "Kung sino ka man. B-buhayin mo ako! pinapangako ko, magbabagong buhay na ako! kung gusto mo lahat ng yaman ko ipamimigay ko sa charity, sa mga kapus palad at sa mga ––"
"Ayoko ng maingay." Putol ko sa mahaba n'yang litanya.
"Pakiusap, ba-buhayin mo a––"
"Anong sabi ko?" Sa pagkakataong ito ay hawak ko na ang gatilyo ng baril ko. Sa sobrang tahimik ng paligid kung saan kami naroroon, halos rinig ko na ang ilang ulit n'yang paglunok.
"Ilang taon 'yung ni-r*pe mo?" Walang emosyon kong tanong.
"W-wala akong n-ni ni r*pe. Pakiusap! Maniwala ka. W-wala!"
Walang alinlangan kong tinutok at pinaputok sa kaliwang binti n'ya ang hawak kong revolver.
"Waaaaah! Putangina!" Impit netong sigaw.
Napailing na lang ako ng may tumalsik na dugo sa Pisngi ko. "Ilang taon?" nauubosang pasensya kong tanong.
"L-limang taong gulang," nanginginig n'yang tugon.
Pakiramdam ko ay tuluyan nang kumulo ang dugo ko sa narinig ko. Hinawakan ko nang mahigpit ang baril na hawak ko saka ko tinutok sa sintido n'ya.
"Bakit?" tanong ko.
"A-anong bakit?" Balik tanong n'ya na naging hudyat para mapatiim bagang ako.
Kinalabit ko ang gatilyo at hinarap 'to sa direksyon ng langit. "Sa susunod na magtanong ka ulit, sa ulo mo na tatagos ang bala nitong hawak kong baril."
Naramdaman ko na lang na may tumulong likido sa paahan n'ya matamis kong sabihin 'yon.
"P-parang awa mo na..." lumunok s'ya nang ilang beses, "b-buhayin mo ako."
Napa-arko ang sulok ng bibig ko. "Parang awa?" ulit ko sa sinabi n'ya. "May gusto akong itanong sa'yo. Anong naramdaman mo habang ginag*hasa mo 'yung bata? Tinitigan ko s'ya ng mariin. "Naawa ka ba?"
Umikbi s'ya sa sinabi ko ngunit napamaang na lang ako nang bigla s'yang humalakhak.
"Oo! inaamin ko na! Masaya! Ang sarap! Iba sa pakiramdam na b*ta ang k*talik! Walang kasing sar––"
Hindi ko na hinintay pang matapos ang sasabihin n'ya dahil tuluyan nang nandilim ang paningin ko. Binitiwan ko ang hawak kong revolver saka ko inihagis sa ere ang katanang nasa likod ko at walang kurap na sinalo at walang ano-ano'y tinagpas ang ulo n'ya.
"Demonyo." Pinunasan ko ang tumalsik na dugo sa mukha ko.
[CLAP! CLAP!]
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa lalaking kararating lang habang inaayos ang katana ko.
"Pinapanood kung paano pumaslang ang pinaka batang assassin ng Black Brother," ngingiti-ngiti n'yang sagot.
"May pinag-kaiba ba kung paano kayo pumatay?" walang emosyon kong tanong.
"Well, kumpara sa mga halang ang kaluluwang assassin ng BBO, may bahid ng emosyon ang pagpatay mo," sagot n'ya na nag pakunot sa noo ko.
BINABASA MO ANG
The Ace and The Four Kings
Подростковая литератураMONTREAL SERIES #1 What if a notorious assassin suddenly became a normal student and encountered a very popular group of four young men known as the "Four Kings" at a prestigious school she's enrolled in? What will happen? Who will end up being bul...