Chapter 2 : [The Montreal University]
- 2 Days Later -
XJ's POV
Tingin sa kanan.
Tingin sa kaliwa.
"Arg!"
Kahit saan ako lumingon ay hindi ko mahanap ang sagot kung bakit nandito ako. It's been 2 days already simula nang dumating ako sa bahay na 'to. Bahay ng nag-iisang kamang-anak ng namayapa kong ina.
Mom.
Nakuyom ko ang kamao ko nang magsimulang bumalik lahat ang ala-ala ko sa kan'ya 13 years ago.
"Stop it!" ayoko nang maalala lahat ng 'yon.
Teka, paanong nakilala ni uncle Julyo si Tito Toni? Ang pagtira ko dito? Ang pagpasok ko sa Montreal University? Hindi kaya may pinaplano s'ya?
[knock! knock!]
Bumalik ako sa ulirat nang biglang may kumatok sa pinto.
"Come in."
Inuluwa nang pinto ang isang babaeng may payat at maliit na pangangatawan, at may suot na malaking salamin.
She's Ella. Ang pinsan ko.
"Hi Xyrine, ibibigay ko lang sana 'tong uniform mo para bukas," nahihiya n'yang sambit.
"Ilapag mo na lang sa tabi," walang lingon kong sagot sa kan'ya.
Napalingon ako ulit sa kan'ya ng ilang minuto na ang lumilipas ay hindi pa din s'ya umaalis. "May kailangan kaba?" walang expression kong tanong.
"Uhm, ano. Uhm," tila nauutal at kinakabahan n'yang usal.
Nagulat na lang ako nang bigla s'yang lumuhod sa harap ko. "Xyrine, pakiusap! Lumipat kana lang ng ibang University! Piliin mo na ang lahat pero 'wag lang sa Montreal!" nakayuko at nag-mamanaawa n'yang saad.
Nagtaka ako sa kinilos at sinabi n'ya, ganun pa man ay masyado akong tinatamad para mang-usisa.
"Alam kong alam mong wala akong kinalaman sa pagapasok ko sa montreal," sa wakas ay sambit ko ng ilang minuto na ay hindi pa din s'ya tumatayo.
"Naiintindihan ko pero, may ipapakiusap sana ako sa 'yo." Tumingin s'ya sa sahig pagkaway kinagat n'ya ang dailiri n'ya na parang kinakabahan. "Pwede bang ipangako mo na kung meron ka mang malaman sa Montreal about sa'kin, 'wag na 'wag mo sasabihin kay daddy?"
Napatingin na ako ng seryuso sa kan'ya. Hindi ko alam kung bakit bakas ng takot sa muka n'ya, ganun pa man ay wala akong balak sundin ang kung sino mang labas sa BBO.
Tumayo ako at lumapit sa kan'ya. "Founder lang ng Black Brother ang sinusunod ko. Makakalabas kana."
Nagtaka s'ya sa sinabi ko pero agad din s'yang tumayo. "Sorry, lalabas na ako." Nagmadali s'yang tumayo at lumabas.
Nang sa wakas ay katahimakan na lang ang bumabalot sa silid kung nasaan ako ay nadako ang tingin ko sa uniform na iniwan n'ya. White top blouse with black coat and black skirt and yeah, necktie. Never in my wildest dream na magsusuot ako ng gan'tong klaseng bagay. Naiinis ako kaya tinapon ko sa trashcan 'yung uniform.
Nakatingin pa din ako sa kawalan nang maalala ko ang sinabi n'ya.
"Whats with her? What's with Montreal University?"
BINABASA MO ANG
The Ace and The Four Kings
Novela JuvenilMONTREAL SERIES #1 What if a notorious assassin suddenly became a normal student and encountered a very popular group of four young men known as the "Four Kings" at a prestigious school she's enrolled in? What will happen? Who will end up being bul...