//errors ahead//
I LOVE THE WAY YOU ARE
"Sabi nila ang love hindi yan nakikita sa hitsura kundi sa panloob you rather accept it's imperfections because you will love the way that person is." Rinig ko'ng usapan pagkalabas ko pa lamang ng office ko.
I'm a doctor, plastic surgeon. Ako din ang may ari ng hospital na aking pinagseserbisyuhan.
They said I'm almost perfect. I don't know why are they always saying that way. Pero ako? Feeling ko may kulang parin. Sabi nila lovelife daw. Yeah, I'm agree though. Pero paano ako magkakaroon ng girlfriend? Ni hindi nga ako marunong manligaw. Kaya't sa pagtatrabaho na lamang ako nagtutuon ng oras. At nang sa gayon ay nalilibang ang sarili ko.
"Doc." May kumatok sa pintuan ko.
"Come in." I said. It was my assistant.
"Doc." Umupo sya sa chair na nasa harap ng table ko.
"Yes? What's wrong?" I eyed on her.
"Heto po." Inabot nya saken ang isang letter.
Tinignan at binasa ang nakasulat.
"Resignation letter? Bakit? Kulang ba ang pasahod ko sayo? 'Di ba kita nata-trato ng maayos?" Siguro hindi ko agad maaccept na nagrereign na sya dahil matagal na syang nagtatrabaho saken at gusto ko ang trabaho nya.
"Ah doc, engaged na po ako. But don't you worry I already hired someone na siguradong maayos ang trabaho." Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nya.
"And for sure, magugustuhan nyo sya. Mamaya po ay magpupunta sya dito around three pm. Heto na din po yung info's nya." Tumango nalang ako at nagsign na ng letter nya.
---
"Doc Chavez, may naghahanap po sainyo. Nasa lobby po. Ariane Domingo daw." pumasok ang isang nurse."Let her in, thanks." I said. At nagpunta sa restroom sa office ko.
"Holy shit!" Nakalimutan ko yung pamalit ko. Agad akong nagpunta sa may table ko.
"Sir! Papasok na po ako." Narinig ko'ng ani ng isang babae.
"W-wait!" Shit wala akong damit.
"S-sir." Namumulang anya.
Matangkad na babae, maputi, at makinis. Hindi sya pangit pero hindi rin maganda. Walang kaayos ayos, pero mukhang desente.
"Hindi ko sinasadya sir." Bigla syang tumalikod at nagpunta malapit sa pintuan. Akmang lalabas pero pinigilan ko.
"No. Don't leave. Just stay here. I'll just wear my thing." pagpigil ko rito.
Pagkatapos kong isuot ang damit ko ay umupo na'ko sa swivel chair ko. Hinayaan ko lang syang nakatayo sa harap ng pintuan habang nakatalikod saakin.
Hindi ko maipagkakailang maganda ang hulma ng kanyang katawan. Pagkatapos ko'ng titigan ito ay agad ko na syang pinaharap sakin.
"Okay. Sit down." she walked towards the chair in front of my table.
"Doc, sorry po. Di'ko po talaga sinasadya'ng makita yang a-abs nyo." Bigla nya namang tinakpan ang labi nya at agad namula. How cute.
"It's okay." I said and smile. "Sige simula bukas maguumpisa kana."
"Talaga sir? Thankyou!" Tumayo sya at yumakap agad sakin. Para akong estatwa na niyayakap ng isang bata.
"Sorry again sir." Yumuko sya. "Gan'to talaga ako kapag masaya, kase first time ko pong matanggap ng di nilalait at sinasabihan ng hipon. Alam nyo naman sir haha." Nangilid ang luha nya, shit i hate seeing girl crying.
"Leave now." Pagkatapos nun ay di'ko na agad maalis ang larawan nya sa isip ko.
Pagkatapos ng nangyaring araw na 'yon ay lagi na lang syang namumula pag kaharap ako although ilang months na rin ang nakalilipas simula ng magsimula sya. Sabagay maputi sya kung kaya't natural lamang iyon kung sya ay naiinitan.
Sa trabaho nya, disiplinado at talagang napakalinis nya magtrabaho. Pero hindi inaasahan ang ibang mga taong pumapasok sa office ko na laitin sya.
Habang tumatagal, ay napapansin ko ang sarili ko na palaging nakatingin sakanya. Sa t'wing day off ay hinahanap ko ang amoy ng pabango nya.
Hindi ko maitago ang tunay na nararamdaman ko para sakanya. Dahil sa twing lumalapit sya saakin ay parang may kung anong kuryente ang dumadaloy sa katawan ko.
"Ah, doc. Pwede po bang magpa surgery sainyo?" Hindi ko naman inaasahan ang tanong ng assistant ko.
"Bakit ariane? May ipapabago ka pa ba sa mukha mo?" I said in a nice way. Ayoko syang madisappoint sa tono ng tanong ko.
"Ah marami po." Hindi na nya napigilan ang pagtulo ng luha nya. "Doc, nakakasawa na po kase ang panghuhusga ng ibang tao saakin." bigla ko nalang syang niyakap at hinaplos ang likod nya. Alam kong yakap lamang ang maaring makapag comfort sakanya ngayon.
"You know what ariane? You're beautiful. The way you act and the way how you approach people. D'yan pa lang lamang ka na. Hindi mo kailangang magpaganda para mahalin ka ng iba. Nandyan ang family and friends mo na mamahalin ka. At ako."
Naramdaman ko ang pagbitaw nya saakin sa pagkakayakap kaya't do'n ko lamang napagtanto ang huling salitang lumabas sa bibig ko.
"Doc, mali po ito." Pinunasan nya ang luha nya at hinarap ako.
"What's wrong with this?"
"Amo kita, at assistant moko. Pinapasahod mo ako. Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao. At ng mga tao mo sa ospital na'to? Na pumatol ka sa isang pangit? Na katulad ko? Ayokong bumaba ang reputasyon mo sir."
"Wala akong pake sa sasabihin nila. Gusto kita Ariane. Mahal na nga ata. And I can feel too na mahal mo din ako."
"Yes. Mahal kita doc. Pero kase natatakot ulit ako na husgahan ang pagkatao ko dahil lang nagmahal ako. Na sa tuwing nakikita nila ako ay palagi nilang sinasabi kung gaano ako kapangit!"
"Ariane, ‘wag ka matakot. Hindi basehan ang hitsura para magmahal. Hindi lang maganda ang pwedeng magmahal." niyakap ko sya at pinunasan ang luha nya. "H'wag mo isipin ang sasabihin nila, dahil ako ang nagmahal, hindi sila. Tanggap ko kung ano at sino ka." Saglit ko syang binitawan sa pagyakap at tinitigan sya sa mata.
"I love the way you are Ariane." And i kissed her passionately with love.
END.