Chapter 4

197 4 1
                                    

Alec's POV

*sa classroom

Maaga kaming dumating ng school ni baby Jai. Excited ako kasi makikita ko na naman si Nikka at susubukan ko ulit siyang kausapin

Wala pa si Nikka, lumingon lingon ako para hanapin siya

"baby Alec, mababali na yang leeg mo ah" sabay sundot ni Jai sa tagiliran ko

panay pa rin ang ikot ng mata ko kung saan

"pssshh,. hinahanap ko si Nikka,," saway ko sa kanya ng di nakatingin

mga 1 minuto pa ang nakalipas at nakita ko na sa corridor si Nikka naglalakad at may dala dalang libro at bag.

agad akong tumayo at sinalubong siya sa paglalakad

"Hi Nikka.." bati ko sa kanya

ang bango niya at as usual ubod ng ganda

"Oh, Hello Alec.." pabalik na bati niya

agad kong kinuha ang libro niyang dala "ako na diyan para di ka mahirapan, may dala ka pa kasing bag,," ngiting tingin ko sa kanya

"thank you.." tanging sambit niya at pumasok kami ng classroom

nilapag ko ang libro niya sa kanyang armchair at nagbalik sa pagkakaupo ko

sinipat ko siya ng mga mata ko

ang tahimik niya at parang may di ako mawaring lungkot at saya sa mga mata niya

hindi rin siya mahilig makisalimuha

ewan ko ba basta curious ako sa kanya

ewan ko ba basta curious ako sa kanya, sa crush ko

ewan ko ba basta curious ako sa kanya, sa crush ko, kay Nikka

Jai's POV

Nandito kami ngayon sa classroom

halos mabali ang leeg ni baby Alec na tila may hinahanap

"baby Alec, mababali na yang leeg mo ah" sabay sundot ko sa tagiliran niya

hindi man lang natauhan at hindi man lang bumaling ng tingin sa akin

"pssshh,. hinahanap ko si Nikka,," saway na sagot niya habang kanda pihit ng pagtingin

mga isang minuto pa ay agad siyang tumayo at lumabas sa may corridor

tiningnan ko siya kung saan pupunta at nakita kong sinalubong niya ng ngiti si Nikka, ang crush niya

mayamaya pa ay nanlaki ang mata ko

pumasok si Alec na bitbit ang librong dala ni Nikka at nilagay ito sa armchair niya

nakakaselos, nakakainggit dahil ganun ang trato sa kanya ni Alec

parang prinsesa na agad ituring

ngayon lang siya naging ganun sa ibang babae maliban sa akin na bestfriend niya

ano nga bang magagawa ako, bestfriend lang ako? hindi ako pwedeng magreklamo, hindi ako pwedeng magtampo, hindi ako pwedeng paapekto

naupo agad si Alec muli sa katabing upuan ko

hindi pa rin maalis ang tingin niya sa kinauupuan ni Nikka

napakswerte ng Nikka na yan, SOBRA

mayamaya pa ay dumating na rin ang instructor namin at matapos ang kalahating araw, lunch time na ulit

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon