Chapter 3

195 3 0
                                    

Alec's POV

*sa bahay nina Jai

"haaaa...." habang nag uunat

umaga na pala, pero kailangan ko maghanda ng pagkain para kay baby Jai

dito na ko natulog at binantayan ko na lang si Jai buong magdamag para okay ang pakiramdam niya

makapunta muna sa kusina ang makapaghanda ng pagkain

FLASHBACK

"sige na ubusin mo lahat ng binili ko pagkain" utos ko kay Jai habang nilalantakan ang donuts at ice cream

"ayaw mo ba talaga? share tayo oh.." habang iniaabot sa akin ang ice cream

nakuha pa talagang magbigay kahit na gutom na gutom na siya

"hindi na..kainin mong lahat yan para naman makabawi sa gutom mo.." 

derederetso ang pagkain niya, daig pa ang nagmamadali

"kakainin ko talaga to, pagkatapos mo akong gutumin" wika niya na halos punong puno ang bibig ng pagkain

"dahan dahan, baka naman lalo sumakit ang tiyan mo pag nabigla ko..oh tingnan mo.." sabay punas ko ng daliri ko sa tabi ng labi niya

ang dumi kasi, nasa may gilid na ng labi ang kinaing ice cream

"hui!" panggulat ko

natulala kasi siya bigla at napatingin sa akin

"anong problema? ang messy mo kumain..kung wala ako dito hindi mo mapapansin yun, akina na lumapit ka pa, aalisin ko..."

bigla siyang umurong sa pagkakaupo ng lumapit ako

"ahhhh,, hindi na..kaya ko na to, wait lang.." at nagtatakbo siya sa gilid ng cabinet niya at nanalamin

nakakapanibago kilos niya ah, para pupunasan lang ang dumi eh

agad siyang bumalik sa kama at naupo at muling nilantakan ang pagkain

"oh wala na ha.." ngiting wika niya 

"sus para kang bata..sige na ubusin mo na yan baby Jai para makapagpahinga ka na mayamaya.." 

"Thanks dito ah.. sige na pwede ka na umuwi baka inaantay ka na nina tito at tita"

"wala yun, kasalanan ko naman, sorry talaga bestfriend..hindi ako uuwi eh,nagpaalam na ko kina mama at papa, pati na rin kina tito at tita, dito lang ako sasamahan kita"

nagpaalam na ko para samahan si baby Jai 

"Hui!"

ginulat ko ulit siya dahil tulala na naman

may sakit ata to na bigla bigla na lang matutulala 

"dito ka tutulog?" nanlalaking mata niyang tanong

bakit ba siya nagugulat?

eh samantalang halos buong buhay namin magkasama kami at tabi kami natutulog minsan

"oo bakit ayaw mo? babantayan nga kita..ayaw mo ata eh o sige alis na lang ako" pabiro kong wika sabay tayo ko sa pagkakaupo

agad siyang tumayo at hinawakan ako sa braso "ui teka, di ko naman sinabing ayaw ko, nagtaka lang ako kasi okay na naman talaga ako..hindi mo na ko kailangan bantayan"

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon