Chapter 6

183 3 0
                                    

Alec's POV

dito ako ngayon sa garden, nakaupo at kakatapos lang magdinner

"mukhang malalim ang iniisip ng anak ko ah.." biglang sulpot na wika ni Papa

"ha? eh wala po papa.. nagpapahangin lang po ako dito" palusot ko kay papa

ang totoo naguluhan ako bigla mula ng magtanong si manong driver kanina sa akin tungkol kay Jai

bigla hinatak ni papa ang upuan at tumabi sa akin

"may problema ba?" usisa ni papa

"naku wala po papa..okay lang po ako.." ngiting wika ko

"wala daw..kilala kita Alec..hindi ka makakapagtago sa akin...alam ko malalim yang iniisip mo" sambit ni Papa

"hmm..papa ilang taon ka nang nagkacrush ka o may nagustuhan ka na babae?" 

ngumiti si papa na parang natuwa pa sa tinanong ko

inakbayan ako ni papa, "hmm alam mo si mama mo ang first love ko noon, pero nagkahiwalay kami, nagkaroon ako ng ibang girlfriend pero alam mo kung anong nakakagulat?" bigla tumingin si papa sa akin... "ang mama mo pa rin ang nakatuluyan ko sa huli"

"3rd year ako noon ng makilala ko ang mama mo, makilala sa pangalan, pero hindi niya alam matagal ko na siyang pinagmamasdan, 2nd year highschool pa lang, nagkalakas ng loob lang ako makipagkilala noong minsan nagkasabay kaming umuwi" pagpapatuloy ni papa

"ibig sabihin papa itinago mo kay mama ang pagtingin mo sa kanya ng mga isang taon?" usisa ko

"ganun na nga..wala kasi akong lakas ng loob.." sagot ni papa

natahimik ako dahil hindi ko na alam kung ano pang sasabihin ko

masaya sina mama at papa ngayon, masaya ang pamilya namin

"wag mong sabihing in love na ang nag iisang anak ko.." ngiting wika ni Papa

ngumiti lang ako at yumuko

"alam mo anak.." at hinawakan niya ako sa balikat.. "wala namang masama na magkacrush at magkagusto, hindi yan napipigilan.. ang mahalaga hindi mo napapabayaan ang mga iba pang importanteng bagay sayo, tulad ng pag aaral.." 

"alam ko po yun..." nakayuko kong wika

"at saka bata ka pa..wag kayong magmadali... enjoy niyo lang... pero sino bang crush yan..si Jai ba?" 

napaangat ako ng ulo at gulat na tumingin kay papa

"o bakit..? hindi ba si Jai? ibang babae?" nagtatakang wika ni Papa

hindi pa rin ako nakasagot at muli akong yumuko

tumayo si papa sa pagkakaupo, humawak muli sa balikat ko "kahit sino pa yan Alec, hindi ka namin pagbabawalan... pero mas okay kung si Jai kasi kilala na namin.." sabay kindat ni papa at tuluyan umalis

tiningnan ko lang siya habang naglalakad papasok ng bahay

gustong gusto talaga nila si Jai

halos tunay na anak na rin ang turing nila

pero baka mawala ang lahat sa isang simpleng nararamdaman lang

FLASHBACK

*Sa bahay nina Alec, grade 6

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon