Chapter 8

163 4 3
                                    

Alec's POV

andito ako ngayon sa canteen, kasama si Nikka, naglulunch habang pinag uusapan ang tungkol sa paired assignment

hindi ko gusto na si Nikka ang piliin na partner at alam kong nalungkot si baby Jai sa pagpili ko kay Nikka kaysa sa kanya

nakita ko sa mga mata kanina ni baby Jai na malungkot siya, alam kong ineexpect niyang kami ang partner pero naisip kong ito na ang paraan para maagapan pa ang nararamdaman ko para sa kanya

FLASHBACK

linggo ng hapon ng dumating ang pinsan kong si Yves sa bahay, napadaan lang siya dahil inutusan siya ni tita bisitahin sina mama at papa

nagkayayaan kaming maglaro ng psp at dahil sa lutang pa rin ako sa mga iniisip at sinabi ni ate yen sa akin ay hindi ako nakakapagfocus sa paglalaro

"Pinsan! mukhang balisa tayo ah..dati rati hindi kita matalo dito tapos ngayon easy lang..ano ka nagpapatalo?" wika ni Yves

dahil sa inis ko sa gulo ng isip ko ay tumayo ako sa pagkakaupo "tsk tama na nga yang paglalaro na yan...nakakatamad"

"Sus pinsan, mga style mo..ano bang iniisip mo.." wika ni Yves habang patuloy pa rin siyang naglalaro

dumiretso ako sa kama ko malapit lang sa pwesto ni yves at humiga.. "ewan ko nga pinsan... ang hirap mag isip" buntong hininga ko

"eh ano nga iniisip mo" sabay tayo na rin nito at iniwan niya ang nilalaro at dumiretso sa study table

"ui pinsan ito na ba yung bestfriend mo?" wika ni Yves habang hawak hawak ang picture frame na may picture namin ni Jai na magkasama .. " bagay ha.. cute niyong tingnan..,. hindi ka ba naiinlove dito"

napaupo ako bigla mula sa pagkakahiga ko at tumingin sa kanya 

"oh bakit? wag mong sabihing in love ka nga?" usisa ni Yves

"tigilan mo nga ako pinsan...ang dami ko na iniisip ang kulit mo pa diyan... hindi ako maiinlove sa kanya dahil mag bestfriend lang kami" wika ko

"owwsss? yun yung sinasabi ng utak mo na hanggang bestfriend lang kayo..pero yung ganito mo ba anong sinasabi" sabay turo nito Yves sa parteng puso niya

bigla akong napatulala...ano nga bang sinasabi ng puso ko?

naguguluhan talaga ako, at higit sa lahat natatakot ako sa maaaring mangyari sa nararamdaman ko para kay Jai

"alam mo pinsan kung hindi ka pa sigurado sa nararamdaman mo... wag kang paapekto.. mga bata pa tayo, enjoy! at saka sa pagkakakilala ko sayo, iisa lang yang babae na naging kaibigan mo, why don't you give yourself a chance na makakilala rin ng iba, just give it a try..para naman hindi ka laging tulala diyan sa kakaisip" payo ni Yves

oo tama siya, si Jai lang ang tanging babae na naging kaibigan ko

hindi ko din alam kung bakit siya lang babaeng naging kaibigan ko pero hindi naman siguro masama ang sinabi ni Yves na makipagkilala sa iba

pero sino?

si Nikka? tama si Nikka nga! siya lang naman ang babae kilala ko kaya dapat mas makilala ko pa siya at maging kaibigan, ng  sa ganun ay hindi ko naiisip ang nararamdaman ko kay Jai

END OF FLASHBACK

Alec's POV

habang naglulunch kami ni Nikka ay hindi ko pa rin mapigilan isipin si baby Jai

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon