Chapter 5

184 3 2
                                    

Alec's POV

andito ako ngayon sa kotse..kakababa lang ni Baby Jai at ngayon pauwi  na rin ako

ang sarap niyang tawaging baby Jai

pero bakit ganun parang malungkot siya, ayaw ko pa namang nalulungkot siya

alam kong bestfriend niya ako pero parang hindi niya pa rin magawang magkuwento sa akin lalo nung tinanong ko ba siya kung sino ang crush niya

"Ah sir Alec okay lang po ba kayo?" basag sa katahimikan ni manong, ang driver ko

bigla akong natauhan at tumingin sa kanya, nakatingin pala siya sa akin sa salamin.."ah eh opo manong, at saka di ba sabi ko po sa inyo wag niyo na akong tawaging sir..okay na po ang Alec." ngiting kong sagot sa kanya

"Ay pasensya na po kayo, nakakahiya po kasi kayo ang amo ko.." 

"para ko na rin po kayong ama kaya wag po kayong mahihiya sa akin" 

nagpatuloy siya ng pagmamaneho at bago pa man kami makarating sa bahay muli siyang nagtanong " ah sir Alec, ay este Alec, matagal na po kayong magkaibigan ni mam Jai ano, ang cute niyo kasing dalawa magkasama at bagay kayo"

oo matagal na talaga kaming magkaibigan pero kami cute magkasama?

at bagay kami?

eto talagang si manong kung ano anong nakikita pero may biglang sigla akong naramdaman sa puso ko, hindi ko mapaliwanag

"Ho? cute kaming magkasama at bagay kami? hahaha, eh manong bestfriend ko po yun eh" tatawa tawang wika ko

"Alam mo Alec hindi naman ako bulag eh, matagal ko na kayo kasama kaya alam ko masaya ka pag kasama mo si mam Jai.." sabi pa niya

naku ano bang alam ni manong? bakit parang nababasa niya ako

"nako manong siyempre bestfriend ko si Jai at malamang po masaya kami pag magkasama" ngiting sagot ko sa kanya

"eh Alec iho, hindi ba minsan nasagi sa isip mo na magkakagusto ka kay mam Jai? higit pa sa pagkakaibigan?"

hala? ginigisa ba ako ni manong?

ewan hindi ko alam ang isasagot ko, hindi ako handa sa ganong klaseng tanong

"ahahaha, si manong talaga palabiro, bestfriend po kami ni Jai, ang mahalaga magkaibigan kami, yun lang po yun"

"hindi mo ba siya gusto?" deretsong tanong ni manong

hindi mo ba siya gusto?

hindi mo ba siya gusto?

hindi ko ba siya gusto? bigla akong naguluhan sa tanong ni manong

oo kagusto gusto naman talaga si Jai, maganda, matalino at siyempre kilala ko na

pero ewan, hindi ko alam kung anong dapat maramdaman

"o natigilan ka na...eto na tayo sa bahay" ngiting makahulugan ni manong

"salamat po" at bumaba na ako ng may nakabiting tanong pa rin sa isipan ko

derederetso akong pumasok ng bahay at derederetso din na tinungo ang kuwarto ko

binaba ko ang bag ko sa study table at humiga sa kama " hay" tanging sambit ko

FLASHBACK 

Alec's POV

*day before graduation (elementary) sa kuwarto ni Jai

"dito ka uli tulog?" tanong ni Jai habang nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon