I.M.8: "the Feelings"

22K 409 6
                                    

Most exciting part of this story. Love you guys thanks for reading. 

INSTANT MOM - "The Feelings" 

by: Simona_bee

 --

Author's POV

Lumipas ang ilang araw at naging mas maganda ang relasyon nang mag ama. Maraming nagbago sa pananaw ni Darren nang dumating si Anne.

Ang paglabas nilang tatlo nang magkasama ay nasundan pa nang maraming beses.

Si Darren na nagbibigay na nang oras sa kanyang anak at hindi na puro trabaho. Si Alice na sobrang saya dahil pakiramdam nya buo ang kanyang pamilya kahit ngaun lang. At si Anne, na halos makalimutan nya ang dating buhay dahil sa mga nangyayari sakanya ngaun, ang kalayaan at kasiyahang hindi nya natagpuan sa pamilya ay natagpuan nya sa mag ama.

Pero may isang bagay din silang nakalimutan. Isang bagay na pinagwalang bahala ni Darren at Anne. Ang bagay na pwedeng magbago nang kanilang tadhana.

Ang posibilidad na maging higit pa sa pagiging magkaibagan ang maging turing nila.

Ang posibilidad na mahalin nila ang isa't isa.

Dahil sa nagkasundo sila na tutulungan ni Anne si Darren sa pag aalaga sa anak, madalas nang nasa kwarto nito si Anne.

Hindi na bago sa kanila ang bagay na to at wala din naman silang paki sa pwedeng sabihin nang ibang tao. Dahil ang alam nila sa sarili nila ay wala naman silang ginagawang masama.

At lahat lang ginagawa nila ay para lang sa anak ni Darren na si Alice.

Ngunit may isang pangyayari ang bigla nalang nilang mapapagtanto... at ito ang pangyayari na marerealize nilang parehas na iba na pala ang nararamdaman nila para sa isa't isa.

7:00pm na nang gabi at pinapatulog na ni Anne ang anak ni Darren na si Alice.

Instant MomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon