"Hi." tipid na bati ko kay Hubert.
Kagigising niya lang at halatang alalang-alala ang mukha niya.
"God! Trinity!" napayakap siya sa akin. Para bang bata na sobrang namiss ang isang kaibigan o kakilala.
"Hindi mo alam kung gaano mo ako pinag-alala." sinabi niya yan na mangiyak-ngiyak siya.
I don't know pero bigla na lang din akong napayakap sa kanya.
After a while ay dumating ang nurse at tinawag na rin ang doctor ko.
Andito pala ako sa hospital at ayon sa kanila ay Four days na akong walang malay.
Si Hubert ang walang sawang nagbantay sa akin at hindi na nagawang pumasok sa opisina 'wag lang ako mawala sa paningin niya.
Umuwi rin sila mama at papa galing states dahil sa pag-aalala sa akin. Sobrang natuwa sila nang malamang gising na ako.
"Hay naku anak, ano ba naman kasi ang naisipan mo at nagdrive ka nang hindi mo kasama si Hubert." sermon ni mama.
"Ikaw naman, 'wag mo nang sermonan yan, mabuti nga at maayos na siya." saway naman ni papa.
"Oo nga po tita. Don't worry po mas babantayan ko na siya this time. Pasensiya na rin po kayo ako po ang may kasalanan." napatingin ako kay Hubert. What's with this man. Ano ba ang iniisip niya. Bakit ganyan niya nalang siya kaconcern sa akin.
Napatingin naman sa amin sila mama at papa.
"Ah, medyo gumagabi na. Siguro mas maigi kung magpahinga ka na muna anak." sabi ni papa habang nakatingin kay mama. Waring may ibig sabihin si papa kay mama pero ayaw ipaalam sa amin ni Hubert.
"Pero kararating niyo lang po ah?" angal ko.
"Pero hindi ka dapat na napapagod masyado pa sa ngayon. Makakasama mo pa naman kami. Sa ngayon ang kailangan ay magpagaling ka muna." utos ni mama.
"Ok po. Kayo ang bahala." pagsuko ko.
At lumabas na sila tuluyan ng kuwarto at nagpahatid kay Hubert.
------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Laro tayo!" napakunot naman ang noo ni Hubert pagbukas pa lamang niya ng pinto.
"Huh? Matulog ka na kaya. Hindi ka pwedeng mapagod." aish. boring
I pouted. "Lika." at sinenyas ko ang kamay ko na lumapit siya.
Medyo nalilito naman ang itsura niya. Napakamot ulo siya pero sumunod pa rin.
"Nice ang bait." sabi ko sabay pitik sa ilong niya. "Hindi naman nakakapagod to eh."
Pinaupo ko siya paharap sa akin.
"Ano bang laro yan?"
"Titigan. Kung sino ang unang kumurap talo." sabi ko sabay ngiti.
"Tss. Ayoko nga."
"er KJ! edi 'wag. Maghahanap na lang ako ng ibang kalaro. Hmp." sabi ko sabay talikod.
Bigla niya naman hinawakan ang balikat ko. Medyo strange lang sa pakiramdam para kasing may something eh. er basta.
"Sige na, sige na." pagsuko niya. "'Wag ka nang magtampo diyan. Pumapangit ka na eh."
"Holo. kapal lang ah. excuse me. kahit tumanda ako maganda pa rin ako." sabi ko habang nakatalikod pa rin sa kanya.
"Hobby mo talagang talikuran mga kumakausap sayo noh?"
BINABASA MO ANG
Touch of Faith
HumorMeet Trinity isang babaeng sobrang in love kay Hubert. Ganoon pa rin kaya ang mararamdaman niya rito kapag nalaman niyang naging kasangkapan ito sa kanyang pagbabago? Masabi niya pa rin kayang mahal niya ito o magbago ang lahat with just a TOUCH OF...