15 : FIRST?

275 18 3
                                    

Through the darkest night I will be your light.-Jacob.

"Nandito na tayo." Napatingin ako sa labas ng bintana, nandito na kami sa guess house nila Jacob, pareparehas ang mga bahay at meron na gawa sa kahoy but in modern design. Ang ganda!

"Ang ganda naman dito." Pahayag ko dahil sa pagkamangha.

"Parang ikaw." Napalingon ako sakanya saka s'ya tinampal sa braso. Sakto naman na tumigil na ang sasakyan.

Sakto naman na tumigil na ang sasakyan. "Ouch! nakakarami kana ha! Kapag ikaw minahal ko ng sobra." Nagulat ako sa sinabi n'ya pero hindi ko nalang pinansin at nauna nang bumaba sa kotse.

Sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin at ang magandang tanawin dahil nasa taas kami ng bundok.

Ang ganda talaga dito sa Baguio. Dati pinangarap kong makapunta dito kasama ang lalaking mahal ko pero isang damulag ang kasama ko.

"Hindi mo ba ako tutulungan?" Napatingin ako kay Jacob na dala dala ang mga bagahe naming dalawa.

"Ay! oo nga pala wait. " pumunta ako sa gawi n'ya at kinuha yung bag ko na hindi gaanong mabigat.

"Ang dami mo namang dalang bagahe, titira ka na ba rito? Ha?" Natawa ako dahil sa pagkasabi n'ya.

"Alam mo ba yung salitang fashion Mr. Santos?" Sarcastic na pahayag 'ko.

"Wow? Ako pa talaga ang pinagsabihan mo n'yan." Natawa nalang ako sa sinabi n'ya. Nauna s'yang maglakad at binuksan na ang pintuan ng guess house nila.

Mas lalo akong namangha dahil ang ganda ng loob, may chandelier at parang log cabin ang design ng bahay sa loob pero modern.

"So tayong dalawa lang dito. Iisa lang ang kuwarto sa taas ng guess house na'to kasi dito kami sa sala natutulog kapag pumupunta kami rito." Paliwanag n'ya.

"So, saan tayo matutulog?" Tanong 'ko.

"Kung gusto mo dun ka sa kuwarto matulog may sariling banyo rin 'yon, dito nalang ako sa sala."

"Ay! Hindi ayaw ko dito nalang din ako sa sala matutulog." Sabi ko 'di ko naman 'to bahay bakit ako pa ang matutulog sa kuwarto.

"Sure ka?" Tanong n'ya ulit. Tumango ako, may tiwala naman ako kay Jacob na hindi s'ya gagawa ng masama sa akin.

"Laki ng tiwala mo sa'kin ah." Sabi nito at binaba sa may tabi ng heater yung mga bagahe.

ningisian ko s'ya tapos tumalikod para kunin yung iba kong gamit. "Sa room nalang ako matutulog." Sabi ko at kinuha ang mga gamit ko at dumiretso sa kwarto sa taas.

Pagkabukas ko ng pintuan tumambad sa'kin ang malaking kama, malaki ang kuwarto. Kaya pala iisa lang ang kuwarto kasi sobrang laki ng kuwartong ito. Halos kasing laki nito ang condo ko.

Inilapag ko ang mga gamit ko at nag tungo sa kama. Nahiga ako kahit malamig. Pinikit ko ang mga mata ko pero hindi ko namalayan na dinadalaw na pala ako ng antok.

Pagkagising ko hapon na pala, Hindi ako nakakain ng lunch. Kaya bumaba ako tapos hinahanap kung nasan si Jacob at sakto namang nasa kusina s'ya.

"Hi." Bati ko, nilingon naman n'ya ako at nginitian.

"Hey." Sagot nito. "Buti gising kana, I'm sorry hindi kita mayaya kanina kumain kasi sobrang sarap ng tulog mo."

"It's ok." Sagot ko. "Nagugutom na ako Jacob, may makakain ba d'yan?" Tanong ko.

Best friends turned to Blank? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon