"Ngayon daw darating ang anak ni ma'am Juliana.""T-talaga? Si sir? H-hala!"
"Oo nga!"
Narinig kong usapan ng ibang waitress. Napakunot noo ko naman. May anak si ma'am? Malamang meron din! Hindi ko na lang pinansin ang mga pinag-uusapan nila at bumalik na sa pagtrabaho, pagod na din sina angel at Vince.
"Ay bes! Ang hirap hirap na nang buhay ko, gusto ko nang mag-patiwakal." Natawa naman kami ni Vince sa emosyonal na sabi ni angel.
"Go ahead angel, hindi ka na niyan angel." Natatawang sabi ni Vince.
"I'm always an angel, Vince!" Nakangusong sabi ni angel. Hindi ko na lang pinansin ang pinag-uusapan nila.
"Zayzay!"
Napatingin naman ako kay angel. Hinintay ko lang ang sasabihin pa niya.
"Sasali ka sa prom?"
"No."
Napakunot noo naman nilang dalawa. Bumuntong hininga lang ako at napatingin sa labas. Oras din nang pahinga ngayon kaya Ayos lang na pagood time good time kami dito.
"Bakit naman zay?" Narinig kong tanong ni Vince. Nilingon ko naman silang at mapait na ngumiti.
"Kailangan pa ni papa operahan kaya wala akong perang pangbili ng gown at mga gagamitin." Paliwanag ko.
"Ay naku yun lang ba zayzay?" Nakangising tanong ni angel. Kunot noo naman akong tumango.
"Aysus, zay kami na ang bahala niyan." Napailing naman ako sa sinabi ni Vince.
"Asus, girl! Ako na bahala ng gown mo. Anong gusto mo? Yung pang Cinderella tapos susuot ka ng high heels na blue na kumikinang tapos maiiwan mo yun dahil mag-tatrabaho ka pa. Tapos hahanapin ka niya tapos may-true love ka na powta! Hahaha." Malakas na sabi niya sa akin at humalakhak. Napakunot noo naman akong Umiling-iling!
"Para kang tanga.." Inis na sabi ni Vince kay angel.
"At least maganda, pang angel talaga!"
"Ah maganda?"
"Oo!"
"Kung si zay ang Cinderella, ikaw naman si Dora. Hahahaha!" Humagalpak sa tawa si Vince kaya nadala naman ako at tumawa. Tumalim ang tingin ni angel na tumingin sa amin habang tumatawa.
"Kung ako si Dora, ikaw naman yung boy sa summertime saga. Hahaha!"
"S-summertime saga?" Natawa naman ako dahil sa painosenteng tanong ni Vince!
"Asus! Yung fuckboy! Yung kagaya mo! Hahaha"
"Basta Dora ka, malandi na magala pa!"