Madali nang matapos ang gabi at karamihan ay losyang na. Nasa tabi ko na din sina angel at Vince.
"Ehem!" Parinig ni angel.
"Si Julian ba yun?" Nanunuksong tanong niya sa akin. Napakunot noo ko naman at nag-iwas ng tingin.
"B-bakit?" Narinig kong tanong pa ni vince! Inis naman akong lumingon sa kanila!
"Sinayaw lang naman ako ha.." Naiinis na sabi ko pero pilit na pinapakalma ang sarili.
"Oh? Ba't naiinis ka na?" Nakangusong tanong pa ni angel.
"B-bakit ka niya sinayaw?" Takang tanong naman ni Vince.
"Para sayaw lang ee." Awtomatikong sabi ko. Tumango tango naman si angel, at si Vince naman ay ngumiwi lang.
"So...Please umayos na po tayo, I'm gonna announce na po kung sino ang prom queen and king.." Excited na sabi ng emcee na ngayon ay binubuksan ang papel. Napakunot noo naman niya pero ngumiti naman at tumingin sa harapan.
"Well, mukhang ngayon ko lang nabasa tong pangalan nato, at ang isa naman ay talaga namang-ughh!" Gigil na sabi ng emcee natatawa naman ang iba habang kaming tatlo ay hinihintay banggitin ang pangalan! Sana pangalan ko na!
"Ms. Zayne Crisostomo.." Napasigaw naman sina angel sa sinabi ng emcee. Napanganga naman ako! Tumayo na ako dahil ang lahat ng paningin ay nasa amin! Dahan-dahan akong nag-lakad paunahan. "And Mr. Julian Villarreal!" Nakangiting dagdag pa ng emcee. Napawaang naman ang labi ko! What?! Pumunta na ako sa unahan at tumabi naman sa akin si Julian!!!"So our queen and king you may now dance..." Nakangiting ng emcee. Napakurap naman ako! Dahan-dahan akong humarap kay Julian, humarap na din siya sa akin, at ang spotlight ay nasa amin!
"Relax, Prom Queen.." Pabulong na sabi niya habang ang kamay niya ay dahan-dahang pumunta sa bawyang ko ang isang kamay naman namin ay magkahawak na! Bahagya siyang mas-lumapit ramdam ko din ang hininga niya! Lumakas naman ang kabog ng dibdib ko ng magkasalubong ang mga paningin namin.
"Umh...p-pwede bang wag nang sumayaw?" Mahinang tanong ko. Napakunot noo naman niya at natawa.. What's wrong with you?! Sumali ako para sa 5,000 hindi para sayo!
"Bawal daw e.." Pabulong pa niyang sabi. Napahinga naman ako at tumango..
"N-nakakahiya na.." Pabulong ko pang sabi ng makailang minuto na kami duon. Agad naman akong kumalas ng tumango siya..
"Woahhhh!! Prom queen!" Malakas na salubong sa akin ni angel. Napapikit naman ako dahil na agaw nanaman ang atensyon. Lahat tuloy sila nakatingin sa akin!
"Congrats, zay.." Nakangiting sabi ni Vince sa akin..
"For sure sa mamaya pa ibibigay ang cash sayo.." Pabulong namang sabi ni angel.
"B-bakit mamaya pa?" Kunot noong tanong ko.
"Kasi hindi ngayon." Pilosopong sagot niya!
![](https://img.wattpad.com/cover/230810063-288-k161402.jpg)