CHAPTER TWO

6 6 124
                                    


"Ma, Alis na kami!" Paalam ko kay mama. Sabado na kaya mag-hahanap na kami ng trabaho, naabutan ko sa labas sina angel na nakasandal sa upuan sa labas. Tumayo na sila nang makita ako.

"Let's go!" Maligayang sabi ni angel na nauna nang maglakad. Napailing naman kami pareho ni Vince.

"Ano bang work ang pwede sa atin?" Maya-mayang tanong ni vince.

"Coffee shop kaya?"

Napa-isip naman sila sa sinuggest ko. Pwede naman yun dahil magseserve lang..

"Its ok with me!" Sabi ni angel, tumango na lang din si Vince. Nauna kaming pumunta sa Calle café.

"Ano po bang requirements?" Tanong ni Vince bumuntong hininga naman ang babaeng manager.

"Sorry pero Bawal sa amin ang 17 years old below." Sabi ng babae, bumuntong hininga naman ako at tumango. Lumabas na lang kami dahil mukhang hindi nanaman mapipilit.

"So san na tayo?" Tanong ni Angel. Sa café de Guzman kaya?

"Sa café de Guzman na lang." Sumang-ayon naman sila sa sinuggest ko kaya tumungo kami sa café de Guzman.

"Sorry pero wala nang available dahil puno na kami." Hurling sabi ng lalaki at pinag-sarahan na kami ng pinto. Nanlumo naman ako dahil mukhang wala talaga. Naghanap din si angel ng malapit duon.

"ZayZay!"

Napalingon naman ako sa tawag ni angel, napangiti siyang lumapit sa amin.

"May trabahong bakante daw duon sa Julian's Café!"

Napangiti naman kami sa sinabi ni angel kaya tumungo na kami sa sinasabi niya.

"You can start na po if you want.." Nakangiting sabi ng babaeng manager. Ngumiti naman ako dahil sa bait niya. Tinalikuran na niya kami kaya binaba ko na ang mga gamit ko, konti pa lang ang mga costumer kaya hindi kami masyadong napagod. Konti pa lang din ang waitress.

"Te, pahinga muna tayo.." Sabi ni angel sa akin. Umiling naman ako dahil baka mapagalitan kami.

"Unang araw natin baka mapagalitan tayo.."

"Asus! Kaya ko nga tong bilhin e at tsa-" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil tinakpan ko na ang bibig niya!

"Manahimik ka nga.."

Tinanggal ko na ang kamay ko dahil kinakagat na niya! Si Vince ay busy sa pag timpla ng mga kape, iba-iba yun. Lumapit ako para tignan ang ginagawa niya, namangha naman ako dahil may puting nakahugis puso sa kape.

"Ang galing mo pala pag dating sa ganyan."

"Ako pa ba? Tss."

Napangiwi lang ako dahil sa kayabangan niya. Bumalik na ako sa table dahil nakaupo nanaman si angel.

"Huy, baka makita tayo ni ma'am." Sabi ko sabay tapik sa balikat niya. Dumarami na din ang mga costumer kaya tinawag na kami ng head namin.

Midnight With YouWhere stories live. Discover now