Natigil ang pag-mumunimuni ko ng dumating na sila at ilapag ang napakaraming in order. Napabuntong hininga lang ako at kinuha ang kutsara.
"Julian tama ba?" Tanong ni angel habang kumakain. Tumango naman si Julian at nagpatuloy sa pag-kain. "Anong kukunin mong course after makagraduate?" Tanong nanaman ni angel. Napatigil naman si Julian sa pag kain at nilapag ang kutsara, napunas din siya ng bibig at umayos ng upo.
"Hmm..maybe MBBS or Bachelor of Medicine and bachelor of surgery." Halatang nakangiting sabi niya. Nanlaki naman ang mata ko! Pareho namin gusting maging doctor?!
"Oh.." Napabilog naman ang bibig ni angel at tumingin sa akin ng nakangisi! "Pareho pala kayo netong bespren ko, well, tatlo pala kami..." Nakangising sabi pa ni angel na nakatingin sa akin!
"Talaga?" Mukhang hindi makapaniwalang tinig ni Julian. Tumango naman ng paulit ulit si angel.
"Hindi naman talaga ako mag-dodoctor e, pero nadadala ako netong dalawa! Kaya gusto ko na din mag-doctor hindi dahil sa kanila-duhhh!" Maarteng sabi pa ni angel. Tinaasan ko naman siya ng kilay! Arte mo ha?!
"Great..." Yun lang ang lumabas sa bibig ni Julian. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin! Lumakas nanaman ang kabog ng dibdib ko! Katapat ko kasi siya at katabi niya si angel at katabi ko si vince!
"Umh...mauna na tayo.." Mahinang sabi ko kay angel, agad naman siyang napanguso.
"Nag-eenjoy pa akong kumain bruha ka!" Nakangusong sabi niya pero malakas pa'rin!
"Why?" Kunot noong tanong naman ni Julian, ngumiti lang ako at umiling.
"Mauna na kami ni vince.." Nakangiting sabi ko at nauna nang lumabas. Napahinga naman ako ng maluwag at humawak sa kumakalabog kong dibdib. Bakit ganito? In love ba ako sa kaniya? Napailing naman ako dahil sa naisip ko!
"O! Tara na mga erap!" Narinig kong sabi ni angel. Napatingin naman ako sa kaniya na ngayon ay lumapit na sa akin. Kasabay na din nila si Julian, agad nanaman akong napaiwas ng tingin ng tumingin siya sa akin!
"T-tara na.." Nauutal na sabi ko at tumalikod. Dahan-dahan lang akong nag-lakad pero wala akong naramdamang may sumunod sa akin kaya multi akong lumingon sa kanila. Napakunot noo ko naman ng mag-tawanan sila! Problema niyo?!
"Wala siyang ang sasakyan ni Julian!" Sigaw ni angel dahil malayo siya, agad naman akong nag-palinga linga, napapikit naman ako sa inis ng makitang malayo ang sasakyan ni Julian dito, inis akong nag-lakad patungo dun. Sumunod na din sila, sumakay na ako at hindi sila pinansin.
"Hey, zayne, ang tahimik mo?" Nagulat ako sa tinig ni julian. Wag mo'kong kakausapin!
"Wala.." Yun lang ang sinabi ko at hindi na pinakinggan ang sasabihin nila. Tahimik lang ako hanggang nakarating sa tapat ng bahay nina angel. Nahatid na din namin si Vince. Baba na sana ako pero agad namang sinarado ni angel ang pinto!
"Malayo pa ang bahay niyan, paki hatid ng maayos!" Narinig kong sabi ni angel kay Julian! Problema niyo?! Mga gago!
