CHAPTER ONE

11 6 122
                                    


Malamig ang sumasalubong sa amin ngayon ng makarating sa rooftop. Gabi na ng natapos kami sa lab. Tanaw na tanaw dito ang buong city. Napangiti naman ako dahil napakapayapa duon at kitang kita ang moon.

"Uwi na kaya tayo."

Napalingon naman ako kay Angel. Bumuntong hininga muna ako at muling inilibot ang paningin sa mga kabahayan.

Nag lalakad na kami pauwi, at ang bilis ni angel maglakad. Tumakbo ako at lumapit sa kaniya.

"Bakit ang bilis mo?"

"Gabi na kaya, baka may mga gago diyan."

"Pssh. Nandito kaya ako 'wag ka nang matakot." Hindi niya na ako sinagot at nag patuloy sa paglalakad. Mabilis pa'rin siya kaya binilisan ko na din.

"Zayne, ingat ka!" Nag-aalalang sabi niya sa akin nang makarating sa tapat ng bahay nila. Ngumiti lang ako at tumango. Tumalikod na din ako at kumaway patalikod. Ilang minuto din ako nag-lakad nang makarating sa bahay.

"Ma, andito na si ate.." Malakas na sabi ni Jingjing. Lumabas naman sina mama.

"Tara na at kakain na." Nakangiting sabi ni mama. Ganon kami hindi kakain kapag hindi kompleto. Naupo ako sa tabi ni Ara.

"Kumusta naman ang pag-aaral zay." Napatingin naman ako kay papa na ngayon ay nakangiti sa akin. Ngumiti din ako pabalik.

"Ayos na Ayos naman po."

"Mabuti't kung ganon."

Nagpatuloy na kaming kumain. Pagkatapos namin ay inutusan ako ni mama na ako ang mag-hugas. Hindi pa ako nakakabihis kaya naghilamos muna ako at nagbihis. Nasa sala kami ngayon. Nanunuod ng T.V. sina mama, habang si Ara naman ay nag-susulat sa manila paper, halatang mag-rereport at ako naman ay nirereview lahat ng diniscuss ni ma'am.

Marami akong hindi maintindihan pero pinilit ko pa'rin. Pagkatapos ko ng isang subject ay nireview ko naman ang kina sir.

"Ate..."

Napalingon ko naman si Ara na ngayon ay lumapit sa akin. Dinala niya ang Notebook niya at nagpaturo, madali ko lang siya naturuan kaya bumalik ako sa pagbabasa. Ilang oras pa akong nagrereview hanggang sa sabihin ni mama na magsitulog na.

"Opo ma, tatapusin lang namin ni ara to." Sabi ko kay mama. Tumango naman siya at sumunod kina papa sa kwarto.

"Ate.."

Tawag nanaman ni ara nang makaalis sina mama. Tinignan ko lang siya at hinihintay ang sagot.

"Kilala mo si Cean?" Tanong niya. Kumunot noo ko naman dahil sa tanong niya!

"Oo at kung boyfriend mo man yun ay hiwalayan mo na. Badboy yun." Kunot noong sabi ko. Bahagya naman siyang natawa.

"Ate.. Hindi ko naman siya boyfriend." Natatawang sabi ni Ara. Kumunot noo ko naman.

"E Ano?"

"Di ba mayaman sila? at ang papa niya si Mr. Duello?" Nakangiting tanong niya. Tumango naman ako.

Midnight With YouWhere stories live. Discover now