Chapter 2
"Oh, gising ka na pala." Sabi ko sa dun sa babae .
"Nasan ako.?"
"Nandito ka lang naman sa bahay ko."
"Anung nangyari sakin?"
"Aba malay ko sayo. Bigla ka na lang dyang nahimatay sa harap ng kotse ko tapos napagkamalan pa nilang nabuggo daw kita."
Hinihimas himas nya yung ulo nya habang naka upo dun sa may sofa. Hindi ko sya sa kama ko inihiga. Baka mamaya kung anung virus meron ang babaeng yan at mahawa pa ko. Binigay ko sa kanya yung ginawa kong soup. Opo, ako po gumawa ng soup na yun, madali lang naman gawin yun at kahit papano, gentleman parin ako pagdating sa mga babae no. Pili nga lang sila. Hehehehe .....
"Anu to??"
"Edi soup."
"Anung gagawin ko dito??" Ipampaligo mo kaya para malapnos yang balat mo. Anu ba naman tong babaeng to??
"Edi hihigupin. Alangan namang ipampaligo mo yan edi nalapnos na yang balat mo."
"Ahh?" What a innocent voice.
"Anu nga palang pangalan mo??" Bigla kong tanong sa kanya.
"Pangalan?? Anu yun??" Pati ba naman pangalan hindi nya alam??
"Pangalan, kung anung tawag sayo Tss."
"Ahh.. yun ba?? Wala ee."
"What?? Wala kang pangalan?? Teka, baka naman alien ka ah, taga saang planeta ka ba??"
"Alien?? Planeta?? Anu naman yung mga yun?? Hindi kita maintindihan."
"Hayyss... never mind na nga lang. Sige na higupin mo na yang soup na yan, baka gutom ka lang kaya ganyan ka. Mamaya na lang kita kakausapin baka naman matino kana."
Tumayo sya sa pagkakaupo sa sofa at lumapit sa may bintana.
"Ang ganda naman. Anu tawag dun??"
Lumapit ako para tignan kung anung tinuturo nya.
"Ah yan ba, Bubbles yan. Pati ba naman yan hindi mo alam??"
"Bubbles??" Nakita kong napangiti sya. Unang beses kong makita ang ngiti nyang yun. Tuwang tuwa syang pinagmamasdan ang mga bubbles na pinapalobo ng mga bata. Kung pwede nga lang mag spark ang mata nito, baka kanina pa may spark sa mga mata nya.
"Alam mo, gusto kong maging bubbles, kasi ang gaganda nila. Nakakalipad sila. Gusto kong lumipad para makapunta dun." Tinignan ko kung saan sya tumuro.
"Sa Langit??" Tumango lang ito. "Hindi ka makakapunta sa langit hanggat hindi ka pa patay. O kung mamatay ka man, hindi rin sigurado na sa langit ka mapupunta."
Hindi na sya nagsalita. Naka titig lang sya sa mga bubbles. Para namang bata ang isang to.
Mga bandang gabi na din. Lumabas ako sa kwarto ko para kumuha ng tubig. Napatingin ako dun sa babae. Naka silip nanaman sya sa may bintana habang naka tingin sa langit. Napansin kong parang umiiyak ito. Nilapitan ko sya.
"Bakit ganun?? *hiks* w-wala akong maalala." Lalong lumakas ang iyak nito. Anu ba yan. Ayokong makakita ng babaeng umiiyak. Lalo na kung hindi ko alam yung dahilan.
"Ssshhh... tahan na." Ewan ko kung bakit bigla kong niyakap tong babaeng to. Siguro sa awa na din.
"wala *hiks* akong maalala *hiks*"
"Diba wala kang pangalan?? Edi itatawag ko na lang sayo Bubbles. Saka diba sabi mo, gusto mong maging bubbles??"
Napa angat bigla yung ulo nya. At ngumiti.
"Ano?? gusto mo Bubbles ang pangalan mo??"
"O-oo, salamat. Ikaw, anung pangalan mo??"
"Ako si Keanne."