Chapter 5
Keanne's POV
3 weeks na din ang nakalipas simula nung madampot este makilala ko yang Bubbles na yan. Napakakulit nya. Para syang isang 7 years old na bata. Napaka inusente sa lahat ng bagay. San kaya galing yung babaeng yun?? She's weird.
********
"Dude, tara na ng makapagsimula tayo." Sabi ni Keith. Nga pala, may practice kami ngayon dito sa bahay ko. May battle of the band kasi sa school ehh, naisipan naming sumali. Si Aika yung Female Vocalist. Si Keith yung Drummer, si Elson sa Electric Guitar at ako yung Male vocalist at guitarist na din.
"Ok nakapwesto na ba ang lahat?? and a 1............ 2.......... 3..............."
*tugs! tugs! tugs! tugs! - sound effect po ng drum, hehe....*
*lalalalalalalala - Aika, kumakanta*
*shing! shing! shing! shing! - elect. guitar*
*nanananananaananana - Keanne, kumakanta*
Patuloy kami sa pag tugtog ng biglang may sumigaw na isang babae.
"Nyaaaaaahhhhhhhhhh!!!!!!! Ang ingaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!!!!"
Bubble's POV
Ang tagal naman umuwi ni Keanne, sabi nya maaga daw syang uuwi dahil may gagawin sya. Pumasok ako sa kwarto nya. Ang laki talaga. Nag ikot ikot ako sa loob. Binuksan ko yung cabinet nya.
"woooooowwwwwww!!!!!!! Ang cute naman nito!!!!!!!!!!!!" Hawak hawak ko yung polo nyang pang school. Sinuot ko ito. Katulad din sya ng ibang damit ni Keanne na sobrang malaki sakin. Hehe, opo, nahuhuli nya akong suot suot ang mga damit nya. Eh sa kumportable ako sa mga damit nya ehh, maluluwang kasi tsaka ang babango. Yung mga binigay naman nya sakin na damit, hindi ko like, Masyadong 'fit' sakin. Hehe, kay Keanne ko nalaman yan.
Humiga ako sa kama nya. Hindi ko namalayan, naka tulog na pala ako.
*tugs! tugs! tugs! tugs! *
*lalalalalalalala *
*shing! shing! shing! shing!*
*nanananananaananana*
"Ahhhh.......... Ang ingay naman." Nagising ako dahil sa ingay. Ganda ganda na ng tulog ee....
Tumayo ako at binuksan ko yung pinto at sinigawan yung mga maiingay.
"Nyaaaaaahhhhhhhhhh!!!!!!! Ang ingaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyy!!!!!!!!!!"
Boung lakas kong isinigaw sa kung sino mang maingay yun, Sinigawan ko sila habang nag kukusot ako ng mga mata ko. Hindi ko alam kung sino sila basta ang alam ko eh ang iingay nila at inistorbo nila ako sa pagtulog ko.
"Bubbles??" Napahinto ako sa ginagawa kong pagkusot sa mata at napatingin sa kung sino man ang tumawag sakin.
"Keanne!!!!!!!" Yey!! Nandito na sya.