Chapter 1
*bogsh*
"Ano?? Laban ka pa?"
*punch*
*bogsh*
*sipa don, sipa dito*
"Pare tama na." Rinig kong pag aawat ng isang lalaki.
"Ang yabang kasi eh, akala mo kung sino."
*bogsh* may pahabol pa na sipa.
"Yan ang bagay sayo. Tara na nga."
At wala na kong naramdamang sipa, suntok, tadyak o kung anu pa man.
Masakit ang buo kong katawan. I feel so weak. Nanghihina ako.
"Si-sino yan??" May nakita akong isang tao na nakatayo sa harapan ko. Hindi ko masyadong makita ang itsura nya. Duguan na ang buong mukha ko. Kulay pula na ang paningin ko.
"I-ikaw si-si-guro yung susundo sa---kin pa---puntang i-impyerno." Inaabot ko sa kanya ang kamay ko habang nakahiga para sumama na sa kanya. Lumuhod sya sa harap ko at hinarang ang mga kamay nya sa mata ko para ipikit pagkatapos nun, unti unti ng dumilim ang paningin ko at nawalan na ko ng malay.
******
"Hayyss!!!!!! Salamat at nakalabas na din sa ospital na yun." Halos isang linggo akong nasa ospital. Sina Keith daw ang nagdala sakin dun. Buti na lang daw at nakita nila ako kung hindi, baka wala na ako ngayon. 50:50 daw ako. Hindi rin ako makapaniwala na nabuhay pa ko matapos kong makatanggap ng bugbog dun sa mga taong yun. Dumiretcho na ko sa kotse ko at nag drive na pauwi sa bahay ko.
Habang nagdadrive, may isang babaeng naglalakad ng mabagal sa kalsada. Asar!!!!! Ang bagal nya. Naka harang sya sa dadaanan ko. Busina ako ng busina para bilisan nya pero parang wala syang naririnig. Lumalapit ito na para bang pupunta sakin. Nang maka abot sya sa unahan ng sasakyan ko, bigla na lang itong nahimatay.
"Naku, yung babae nasagasaan yata."
"Oo nga, kawawa naman. Mukhang ayaw pang tulungan nung nasa kotse."
What?? Anu ba yung sinasabi nila?? Hindi ko kaya yan nasagasaan. Bigla na lang yang nahimatay dyan ee.
"Ui, tulungan mo naman yun ohh." Rinig kong sabi ng isang babae. Tss. Wala na akong nagawa. Ako ang pinag gigiitan nilang naka bunggo DAW sa babaeng yun. Asar talaga.
Bumaba ako sa kotse ko at pinuntahan yung babae. Wala naman syang galos o kahit na ano. Wala lang syang malay.
"Anu ba 'to?? Galing sa halloween party??" Nasabi ko sa sarili habang buhat buhat ko sya. Panu ba naman, naka suot ng white dress, yung parang sa white lady pero knee level lang ang haba at long sleeves. Mahaba din ang buhok nito na naka harang sa mukha nya. Pinasok ko sya sa back seat ng kotse ko at dinala sa bahay ko. Oo sa bahay ko. Ewan ko ba kung bakit hindi sa ospital ko dinala to o sa mental. Parang may something na pumipigil sakin na dalhin ko sya sa kung saang lugar at sa bahay ko na lang sya ideretcho.