Angel 13

165 8 3
                                    

"Anong mangyayari sa mga bata ?! Ngayong may mga halimaw na nakapasok sa Akademya? Baka susunod nyan ang bayan na ang sugurin ng mga halimaw na yan!" Tanong ng isang mamamayan. Takot nitong wika sa mga taong nagkumpulan dahil sa nalaman nila na may mga halimaw na nakapasok sa akademya.

"Hindi ba nasarado na ito ng binibini bago sya bumalik sa Sacred Palace." Wika ng isa pang mamamayan.

"Hmp. Ano pang magagawa ng binibini nasa Sacred Palace na sya. wala na tayong pag-asa pang mabuhay dito. " Mataray na sagot ng isa pang mamayan.

"Nandyan pa naman ang hari proprotektahan nya tayo!" Pagproprotesta ng isa pang mamayan.

"Hari?! Narinig mo naman na nangangapa na rin sya. Di nya na alam kung ang gagawin." 

"Kurokuro lang yang nababalitaan mo! Prinoprotektahan tayo ng hari nasa kanluran sya ngayon nakita ko iyon ng dalawa kong mata. Marami na ring kawal na nagkalat para maprotektahan tayo. Nalaman ko rin na may nagselyo ng akademya para di na muling makapasok ang mga halimaw."

"Pero hanggang kaylan yun! Hindi tayo lagi maproprotektahan ng hari."

"Kung nandito sana ang binibini. Matutulungan nya tayo sa mga  suliranin natin ngayon."

"Wala na ang binibini ang magagawa na lang natin ngayon ay manalangin at manalig na matapos na ang kaguluhan na ito."

'Nagkakagulo ng ang mga mamayan sa Winston alam na nila kung ano ang nangyayari. Ang mga tao sa Luminous Forest ay inooserbahan ang mga Elemental Spirits kung may sumugod na naman sa kanila at ikulong sila sa krystal. Ayaw mangyari ulit ng hari ang nangyari sa kanluran. Sigurado na ang hari na magbubukas ang isa pang daan para pumasok ang mga halimaw. Mahihrapan sila na hatiin ang mga kawal. Kahit na marami pang taon ang lumipas kulang parin na makaahon ang kastilyo lalo na't pinatalsik namin ang mga gahaman na opisyal sa kastilyo.' Isip ni Hazel habang pinagmamasdan ang mga tao na nagdidibate kung sino sa kanila ang tama.

'Pano kaya to.' Napabuntong hininga na lang si Hazel at patuloy na inobserbahan ang mga tao.

'Kung nandito nga lang si Cleo napigilan nya sana ang pagpasok ng mga halimaw. Ang mga great spirit ayaw makiaalam sa amin dahil problema daw namin ito at di problema ng binibini. Napaka bias ng mga yun a.' Inis na isip ni Hazel.

Naglakad sya sa isang tindahan at pinagmasdan ang mga tinda nito.

'Ang narinig ko sa mensahero na nakulong nga ang isa sa Elemental Spirit. Nakaalam sila ng isang spell na makulong ang Elemental Spirit sa kyrstal. Mabuti na lang at tumulong si Iris at unti-unti ng nasisira ang krystal. ' Napatingin muli sya sa mga tao na patuloy pa rin sa usapan.

___________

"Nabalittan nyo na ba yung nangyari sa kanluran?"

"Oo nakakatakot no?"

"Di kaya sumugod uli ang ang mga halimaw dito?"



"Everyone is getting nervous about the monsters." Nakatingin si Neil sa labas nasa corridor sila at tinitingnan ang mga estudyante na naguusap. Nakatingin sa kanya si Donna. 

"Ano ng balita sa kambal?" Tanong ni Neil.

"Ganun pa din." Donna

'Genius si Neil alam nya ang mga nangyayari kahit di nya pa nakikita. ' Isip ni Donna.

"The monsters are still at bay.. Whatever a person or a thing that the stopping the monsters it's has strong power. The king is calm, some of the dark magician are helping to protect the Winston. At kung pumasok man ang mga halimaw pipigilan sila ng light magicians. Nakakapagtaka lang ay walang balak na puntahan ng hari ang butas para makita kung ano talaga ang nangyari. May kung ano siguro ang promoprotekta sa Florence. Napapansin ko din ang ibang protectors na nagmamasid sa academy. Nakakapagtaka naman ano ang inoobserbahan nila dito... Halimaw na nakakapagpalit ng anyo? No, imposibleng mangyari yun. May matibay nakapalibot na harang sa academy imposibleng makapasok ang mga halimaw dito ngayon simula na nangyari nakaraang pagsugod nila. Sabi ni mama may makapangyarihan na nilalang ang gumawa ng harang at wala ng halimaw na makakapasok dito. So... bakit sila... ' Nasarado ko na ang harang' wait kung tama ako sinabi  nya yun.. Sabi ni Mama na matibay na ang harang na nakapalibot sa Florence imposible na makapasok doon ang halimaw lalo pa itong pinatibay ng mga spirits, pwera na lang ang binibini na ngayon ay nasa Sacred Palace na. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Angel's HelperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon