Chapter 01- As I open the first page

119 4 5
                                    

NOTE: Weekly po ang updates! Sana po magustuhan nito!!! XD

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"FRIENDSHIP IS A SINGLE SOUL LIVING IN TWO BODIES."

[PRESENT TIME] : AUGUST 2021

         Naaalala ko pa ang mga pangyayari nung High School ako. Sariwa pa sa memorya ko ang mga moments at mga experiences ko kasama ang barkada. Pinangarap namin nun na, gumawa ng isang banda at sumikat sa larangan ng musika. Sabi pa nga ng iba kong kasama, pag sumikat sila, mag aartista pa sila. Yung mga moments na yun, hindi ko talaga malilimutan. Simula ng magkaroon ako ng mga kaibigan,na dati ay wala, sinimulan ko ng gumawa ng Group diary, entitled.. "Barkada Diaries".

Nakaramdam ako ng pagkabagot. Let me remind myself about those past years.

August 30...

    ~Sa school namin, kahit saan ka lumingon, puro bandiritas, posters,mga fliers saying "It's Foundation day!". Kulang nalang eh, AIRSHIP!!! This incoming September 1-3 kasi, magaganap ang Annual Foundation Anniversary ng School namin. At, eto kami, nakatunganga, habang ang lahat ay abala sa pag pagprepare ng mga Booth para bukas. Galit na galit na si Mom, este Ma'am Marjorie pala na kanina pa sigaw ng sigaw na ala Horror movie ang dating at halos lumabas na ang vocal chords sa sobrang pressure. 

"HOY!!! III-Prudeeeeence!!!! Kumilos naman kayo oh! Sa makalawa na ang Foundation day at itong booth naten barong barong pa din!" hirit ni ma'am with matching hablot sa bawat miyembro ng section namin na pakalat kalat lang sa buong campus.

    Habang nagdadadada si ma'am, mula sa malayo nakatingin ako sa buong paligid. Sa mga fantasy stories kasi na nababasa ko, naka ayon ang panahon sa mood ng main character/s, at sa kasalukyan, nagkakaroon ng matinding digmaan sa pagitan ng mga kabarkada ko at ako. 

     Nagkaruon kasi ng kooonting misunderstanding.

Actually, sa darating na September 3, ang last day ng Foundation days, magpeperform ang banda namin sa Family day Programs and activities. Dati pa namin pangarap na sumikat at makilala bilang isang banda. Kaso, nag aaral kami. Ang tanging daan lang tungo sa tagumpay ay magperform kami sa araw na iyon, on live stage para ipakita sa mundo na may ibabatbat kami.

Yun ay kung maayos pa ito.

Ano nga ba ang nangyari?

-----------------------------

[PAST TIME]

July 4, 2010...

Kumusta.

  Naglalakad ako sa daan papuntang school. Total, walking distance lang naman ang bahay namin  hanggang sa school, naglalakad na lang ako. Ako nga pala si Anne Batongbakal. Ist year freshman sa isang private highschool dito sa Bulacan. First time ko lang pumunta sa school na ito, nagkasakit kasi ako nung Enrollment. Hindi ako ganoong kasanay sa mga Country side life style na sorroundings kaya mahilo hilo pa ako sa pag-adapt.

  Papasok na ako sa Entrance gate ng biglang may bumangga sa akin.

"Aray!!!"

   Nagkahulog yung mga dala kong libro sa lakas ng impact. Biglang napatingin sa akin yung babaeng nakabanggaan ko. May pagka-brownish-black ang kulay ng buhok, medyo curly straight, medyo maliit at mukhang kakainin ka ng buhay sa mga titig. Makikita mo sa mga mata niya ang pagod at parang patay ang mga mata niya kasi nung tinamaan ng ilaw mula sa araw, blanko at parang walang buhay. Sa kabutihang palad, tinulungan niya lang akong magpulot at hindi ako nalate dahil dun.

Barkada Diaries (OnE sHoT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon