NOTE: Weekly po ang update! Please pakibasa! Malapit na sa climax mga mare/pare!
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
"My BEST TIMES have gone, from LAUGHTER to MEMORIES...
My BEST FRIENDS have gone, from FRIENDS to FAMILY."
[PRESENT TIME]
"Ang drama naman ng nagsulat nito!" sabi ni Yeon. Actually, hindi yun ang real name nya. Secret na daw. Kahit kami, sinisikreto pa.
"Eh, bat' dati iyak na iyak ka ng graduation natin? Ikaw nga ang madrama diyan eh. " hirit ni Rina with matching irap. Etong dalawa kasi na ito, palaging magkasama at magkasundo pero maya maya magkakagalit. BIPOLARS.
"Eh, sinu ba nagsulat niyan?"
"Sino pa edi si Li. Topak yun pero once na magsulat yun, maaantig ka."
"So, naantig ka naman.?"
"Pwede ba!!! Hindi man maantig, naaapreciate ko naman. Hindi tulad mo."
"Atleast may gets ko."
"Hahaha. Mas maganda ang appreciation kaysa understanding!"
"Bird brain ka lang kaya appreciation lang kaya mong ibigay!"
"Eh bat' mas mataas ang grades ko sayo?"
"Basta mas close kami, period!!!!"
"Eh mas matagal ko naman siyang nakasama at mas loyal siya sa akin!"
Teka. Ano to' nananahimik yung tao, LOYAL? Aso teh??? Labo.
"EWAN!!!!" biglang nagalit si Rina. Hindi ko ba alam kung bakit. Aang-anga ako eh. Hindi ko namalayang serious na pala ang usapan ng dalawa. Nag-walk out.
RINA'S POV
Hello. Ako nga pala si Rina, you can call me "Sunny" gaya ng tawag nila sa akin.
Sa barkada, I can say that I'm the queen. Subukan nilang artehan ako o kaya hindi manlang ngitian kahit na irapan ko sila, sampal gusto nyo??? I'm not that kind of person. Bad man, pero may puso ako... may awa. Ang ayoko lang, kinokontra ako.
Kahit na wala sa akin ang Diary... magkukwento ako. Problema??!! Hindi ko man masabi exact details pero.. okay na yun!!!
Basta. This is the event that I WON'T FORGET.
[PAST TIME]
November 24 , 2011
Tandang tanda ko pa ang pangyayaring to na di ko malilimutan. Natural.
Intramurals nun. Sports Fest ng PHS! Actually, hindi naman talaga ako sumasali sa mga Sports event ngayong taon lang. Games of the Generals my friends. Ang larong sinalihan ko. Hindi man ako ganun kagaling tulad nila Yeon, Dark (Member din ng barkada), at Li, atleast "I KNOW THE RULES!!" Syempre. Sasali ba ako na magmumukha akong tanga? Wah.
"Huy. Nakita mo na ba yung Schedule ng laro mo sa G.O.G?" tanung ni Li, curious naman siya palagi.. pero madalas alang pakialam yan sa amin. "Good Luck sa KALABAN mo ha."
"Bakit? Kilala mo! Magaling ba? Tingin mo matatalo ako?"
"Aba. Malay ko. Hindi ko naman kilala yun. As if naman na aalamin ko pa. It depends naman sa ability mo as a individual. Got it?" sagot niya, with matching smirk na ngayon ko lang nakita.
BINABASA MO ANG
Barkada Diaries (OnE sHoT)
Teen FictionKayong magkakaibigan ay may malalim na pinagsamahan. Lahat nagtitiwala sa isa't isa. Parang wala na ngang makapagpapahiwalay sa inyo sa sobrang lapit nyo. Paano na lang kung sa isang pangyayari nagbago ang lahat? Magiging matibay pa ba ang samahan n...