Danny is alone in his apartment.
His boyfriend, Jax, is not home. May project ito sa Cavite kaya naiwan siyang mag-isa ngayong gabi. They've been together for three years now at lagpas isang taon na silang magkasama sa iisang apartment.
Hindi naman sa nagrereklamo siya kundi, naapreciate lang ni Danny ang ganitong mga panahon na solo siya sa bahay. He can do anything he wants, at least, for the night.
Naghanap siya ng leftover food sa kusina suot ang simpleng sando at boxers. Ininit niya ang tirang adobo kasama ang tira ring kanin. He put them on a bowl and strolled to the sala. Isinara niya ang ilaw on the way at itinira ang lamp sa side table. Binuksan na niya ang TV at naghanap ng mapapanuod sa Netflix.
Nasa ganoon siyang ayos nang may tumawag mula sa labas. Napatingin si Danny sa orasan sa may TV at nakitang 8:00 pm na. Wala siyang maalalang gala o kaya'y nagsabing bibisita kaya napakunot siya.
Naulit ang tawag na may kasamang paggalaw ng gate. Boses babae ang nasa labas kaya pumunta muna siya sa kwarto para magsuot ng jogging pants bago tingnan kung sino ang nasa labas.
Natigil na ang pagtatawag nang makapagdamit siya. Pero kahit ganoon ay lumabas parin siya.
Napakamot siya sa ulo nang makitang wala namang tao.
Minumulto na ba akes? tanong niya sa sarili. Ngayon lang naman kasi nangyari 'to.
Huminga siya ng malalim.
Malaki ang built ng katawan ni Danny. Hindi maskulado pero malapad lang talaga ang mga balikat niya. Matangkad rin siyang tao.
Pero kahit ganoon ay matatakutin siya. Bigla niya tuloy namiss si Jax. Kahit mas matangkad at malaki ang katawan niya rito'y mas matapang ang boyfriend niya. Gusto niyang itext ito pero naiwan niya ang cellphone sa loob ng bahay.
Lumapit si Danny sa gate. Madilim na sa labas at pundido ang malapit na streetlight. Pero kahit ganoon ay naaaninag niya parin ang kalsada sa tulong ng bilog na bilog na buwan. Binuksan niya ang gate at saka lumabas. Nagpalinga-linga siya para tingnan kung may tao ba talaga.
Minsang may dumaang kapitbahay pero lalaki ito. May dalang supot galing sa MiniStop ang lalaki habang nagsecellphone. Mukhang hindi naman ito ang tumawag sakaniya.
Tumingin siya sa kabilang banda kungsaan nakatayo ang walang ilaw na streetlight. Sa paanan nito'y may nakaupong babae.
Napalunok si Danny. Nagsitayuan ang mga buhok niya sa katawan.
Mahaba ang buhok ng babae. Natatakpan nito ang mukha ng babae kaya hindi makita ni Danny ang hitsura nito. Naka-gray itong bestida na nagmumukhang puti sa ilalim ng ilaw ng buwan. Nakasandal ang babae sa base ng streetlight habang yakap-yakap ang tuhod. Nagdalawang-isip si Danny na kausapin ito.
Pero kilala ka niya! giit ng isang parte ng kaniyang utak. Tinawag siya ng babae sa kaniyang pangalan kanina noong nasa loob pa siya ng bahay kaya malamang sa malamang ay kilala siya nito.
Pero hindi ko sure kung s'ya ba talaga ang tumawag! sagot niya.
Ngunit mukhang hindi na niya kailangang magdecide kasi ang babae na mismo ang lumingon.
Nag-expect si Danny ng ala-Sadakong mukha with matching dark eyes and bloody face. Sa halip ay magandang dilag ang kaniyang nakita. Mukha itong dyosa habang nakangiti sakanya.
At kilala nga niya ito.
"M-mayari?" nauutal niyang tawag.
Hindi man ito multo ay pinagtaasan parin siya ng mga buhok sa katawan.
Anong ginagawa niya rito?!
To be continued...
BINABASA MO ANG
Mayari
Short StoryNgayong gabi lang 'to. Anong gagawin mo? This is Danny's one-night encounter. ~☆~ Date posted: June 28, 2020 hyperever ☆ #OneNightStories 2 Language: Filipino