[2] crescent

1K 36 0
                                    

"M-mayari?" nauutal niyang tawag sa babaeng nakaupo sa may streetlight.

Tumayo ito't pinagpagan ang gray na bestida. "Hi, Danny," bati ni Mayari sakaniya.

"A-anong ginagawa mo rito?" hindi makapaniwalang tanong ni Danny. Five years na mula nang huli silang magkita. Hindi niya inaakalang muli niya itong makikita lalo na matapos ang huli nilang pag-uusap...

Marahang umihip ang hangin dahilan para sumayaw ang mahabang buhok ni Mayari. Sinuklay nito ang buhok at saka isinuksok ang ilang hibla sa likod ng tenga. Nakanguso itong tumingin kay Danny. "Hindi ka ba natutuwang makita ako? Para kang nakakita ng multo..."

Napakurap si Danny. "Honestly, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman,"  sagot niya.

Muli siyang nginitian ni Mayari. Ang ekspresyon ng mukha nito'y parang nagsasabing, "ano ka ba, huwag ka ngang ganiyan!"

"May ginagawa ka ba? Pwede mo ba akong samahan?" tanong nito sabay suklay ulit ng buhok. Humangin nanaman kasi.

Naguluhan si Danny. Ilang taon na nang muli silang magkita, at hindi pa maganda ang kanilang paghihiwalay pero heto si Mayari, nasa labas ng kaniyang bahay, inaaya siyang lumabas at umaaktong parang walang nangyari. Hindi niya maintindihan.

"Pleaaaase?" pagpapacute ni Mayari. Pinagsalikop pa nito ang mga palad na parang nagdadasal at kukurap-kurap siyang tiningnan.

Napahinga nalang ng malalim si Danny. Naka-drugs ba 'to?

Pero... kilala niya si Mayari. Hindi naman 'to 'yung tipong magda-drugs kaya sinagot na niya ang dalaga. "Saan ka ba magpapasama? Hindi pa 'ko kumakain teh," aniya.

Ngumuso si Mayari. Kagaya parin ito ng naaalala ni Danny. Makulit parin at pa-cute. 

Hindi nga lang niya maintindihan kung bakit pakiramdam niya'y pinipilit lang nito ang pag-akto.

"Baklang bakla ka talaga, ano?" walang halong pangungutyang tanong nito. Mukhang genuine ang pagkamangha ni Mayari. "Pero noong..."

Muling pinangtaasan ng buhok sa katawan si Danny. May kuryenteng namahay sa pagitan ng kaniyang mga balikat. Tumikhim siya para hindi na ituloy ni Mayari ang "noong...".

"Pumasok ka muna tuloy. Magpapalit lang ako," aya niya rito.

Nilakihan niya ang awang ng gate at pinapasok si Mayari. Nakangiti itong humakbang papasok. "Thank you," matamis nitong sabi nang dumaan sa harap niya.

Huminga siya ng malalim. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nahirapan sa paghinga. Napahawak nalang siya sa dibdib nang manakit ito. "Ha," hindi makapaniwala niyang sabi. Pareho parin kasi ang epekto ni Mayari sakaniya kahit limang taon na ang nakararaan.

Erase! sigaw ng bakla niyang utak.

Umiling nalang siya sabay sunod kay Mayari sa loob ng bahay. Naabutan niyang nakayuko ito sa may cabinet kungsaan nakahilera ang mga picture nila ni Jax. Parang inaaral nito ang bawat litrato.

"Boyfriend mo?" lingon ni Mayari sakaniya habang nakaturo sa mga picture frame.

Tahimik na tumango si Danny. Hindi niya alam ang tamang isagot na hindi masasaktan si Mayari. O kung hindi man ito masaktan ay at least, hindi maging awkward ang atmosphere.

Pero mukhang hindi naman naapektuhan si Mayari ng kaniyang sagot. Nakangiti pa nga nitong ibinalik ang tingin sa mga picture. "Bagay kayo," anito.

Pilit siyang ngumiti. Hindi man naapektuhan si Mayari, naaawkward parin siya. "Itatabi ko lang 'to," sabi niya sabay kuha ng mangkok na laman ang kaniyang dinner. 

Maglalakad na sana siya papunta sa kusina nang umayos ng tayo si Mayari at saka humarap sakaniya. 

Nagsalita ito:

"Can you act like you're still my boyfriend, Dan? Kahit ngayon lang?"

To be continued...

MayariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon