[3] quarter

870 33 2
                                    

"Can you act like you're still my boyfriend, Dan? Kahit ngayon lang?"

Gustong matawa ni Danny sa tanong na iyon. 'Yung tawang hysterical -- nasasapian ang peg. Para kasing joker si Mayari. Like, seriously?

"What?" hindi makapaniwala niyang tanong. "Okay ka lang, Mayi?"

"Awwww, ang bilis mo namang umoo. Mayi na ulit ang tawag mo sa'kin," anito. 

Napanganga nalang si Danny. Halos mabitawan niya ang mangkok na hawak dahil sa sinabi nito. "Gurl, palayaw mo 'yun. Anong bago?" putok niya sa bubble nito. Napairap pa siya bago nagpatuloy sa pagrampa papuntang kusina. Binuksan niya ang ref at inilagay roon ang magkok.

"Jino-joke lang naman kita," ani Mayari na sumunod pala sakaniya. Nakasandal ito sa may counter nang lingunin niya. "Pero seryoso ako sa request ko. Kahit ngayon lang, Dan."

Nakakunot-noong hinarap ni Danny si Mayari. Sinira na nga nito ang alone time niya, nagrerequest pa ng kung-ano ano.

"Pumayag ka na," pamimilit pa ni Mayari. "Ngayon lang talaga 'to. Aalis na kasi ako bukas."

Tinaasan niya ng kilay ang babae. "Saan ka naman pupunta?" tanong niya habang nakahalukipkip. "At bakit dinadamay mo pa ako sa kalokohan mo? Nasapian ka ba?"

"Pupunta na ako sa buwan," sagot nito. "Gusto mong sumama? Pwede kitang gawing plus one."

Ang sarap nama nitong kausap. Hindi malaman ni Danny kung seryoso ba o hindi. Isa 'to sa mga nirereklamo niya noong sila pa. Puros kasi biro si Mayari, hindi na niya alam kung kailan seryoso.

Nakasimangot niyang iniwan si Mayari sa kusina. Naglakad na siya pabalik sa sala at saka isinara ang TV na naiwan niya kanina. Sumunod naman si Mayari sakaniya. 

"Joke lang, Dan. Ano ka ba! napakaseryoso mo talaga, ever."

Humarap si Danny kay Mayari. "Saan ka ba magpapasama, nang makauwi ka na?"

Nagkagat-labi si Mayari. Nilaro nito ang mga kamay at parang nahihiya siyang isinagot. "Sa dati sana," anito.

Bahagyang lumambot ang puso ni Danny. "Sa ganitong oras?" naguguluhan niyang tanong. Sumilip siya sa orasan at nakitang alas nwebe na. "Hatinggabi na tayo makakarating doon kung ipipilit mo." Malayo-layo kasi ang gusto nitong puntahan.

"I don't mind," sagot ni Mayari. "Malayo rin ang pinanggalingan ko para puntahan ka ngayon. So, what's another few hours of travel?"

Nag-aalinlangan parin si Danny. Pero mukhang desidido ang babae. Wala na rin siyang magagawa kasi nasa bahay na niya si Mayari. Hindi naman siya 'yung tipong palalabasin lang 'to at hahayaang pumunta sa 'dati' nang mag-isa. Kahit matagal na nang huli silang magkita, may parte parin sakaniyang nagke-care sa babae.

"Bakit hindi ka pumunta nung maliwanag pa?" reklamo niya. Pero kahit ganoon ay naglakad parin siya papunta sa kwarto at nagpalit ng damit.

Makalipas ang ilang minuto, nasa byahe na sila papunta sa dati. Dinala niya ang kotse ni Jax dahil hindi naman nito ginamit papuntang Cavite. Kung wala ito'y siguradong tatanggihan niya si Mayari. Delikado nang magcommute nang ganitong oras.

"Pwedeng magpatugtog?" tanong ni Mayari mula sa passenger's seat.

Sandali siyang sinulyapan ni Danny bago tumango. Ikinabit na ni Mayari ang jack sa cellphone at binalot ng malumanay na tunong ang buong sasakyan. Nakakaantok ang tunong pero hindi na nagreklamo si Danny. Maganda naman kasi ang kanta.

Nang marating nila ang dati ay hatinggabi na nga. Agad na lumabas si Mayari sa kotse at tumakbo papunta sa dulo ng pantalan. Maliit lang ito at malayo-layo sa syudad. Na-discover nila ito noong college at mula noon ay naging tagpuan na nila.

Tahimik na sumunod si Danny kay Mayari. Marahan ang hangin at medyo malamig. Pero mukhang hindi ito alintana ni Mayari. Nakaupo na kasi ito sa dulo, nakababad ang paa sa tubig sa tubig.

Lumingon si Mayari at saka siya inayang maupo sa tabi nito. Tahimik siyang sumunod.

Inalis muna ni Danny ang kaniyang tsinelas at itinabi ito sa sandals ni Mayari bago ibabad rin ang paa sa tubig.

"'Yan," ani Mayari nang makaupo siya.

"Tapos, sabihin mo ulit saaking mahal mo ako," dagdag nito na ikinagulat ni Danny.

To be continued...

MayariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon